Rew's P.O.VKinakabahan akong bumaba sa kotse ni Sienna, ano nalang ipapalusot ko kina mommy?
"Rew gusto mo samahan na kita?" alalang tanong ni Sienna
"Hindi na." ngiting sabi ko.
Dahil nung huling ginabi kaming lumabas mag kakaibigan ang nagkaron ako ng curfew ng isang b'wan.
Dahan dahan akong pumasok sa loob ng bahay, pero nagulat ako ng makita si mommy na naka-upo sa couch. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"At bakit ngayon ka lang?" galit na tanong ni mommy.
"At wag na wag mong ipaparaan na kasama mo si Alex." dagdag pa nito.
"Kasi mom, nagka-ayaan po kami nila Sienna lumabas." kinakabahan sabi ko
"At anong klaseng labas yan at inabot kayo ng ganitong oras? Pumunta dito si Alex kanina, alalang-alala, naka patay daw ang cellphone mo." galit na sabi ni mom.
"Sorry po."
"Mabuti pa umakyat kana. Ako na bahala sa daddy mo, at kausapin mo si Alex. Ikaw talagang bata ka."
Pagka-akyat ko ay agad kong binuksan ang cellphone ko. At tumambad saakin ang mga text ni mommy at ni Alex.
From: Alex
Luv, andito nako.From: Alex
Hindi ka paba lalabas?From: Alex
Tinanong saakin ni Gab kung mag kasama daw kayo ni Joy?From: Alex
Kanina pa daw kayo labasan?From: Alex
Luv? ba't hindi mo sinasagot? may problema ba?From: Mommy
Anak nasaan ka? nang galing dito si Alex, hinahanap ka. Hindi mo daw sinasagot ang tawag nya?Hindi ko na tinapos ang pag babasa ng mga ito.
Agad akong nag tipa ng mensahe para kay Alex.
To: Alex
Sorry kung hindi ako nakapag paalam, nagka-ayaan kasi kami nila Sienna kanina.Alex' calling.......
Bago pa ako makapag salita ay
"Alam mo ba kung gaano ako nag alala kanina? Para akong baliw na nakatayo kanina sa labas, tapos malalaman ko nalang kay Gab na nag bar kayo? Sana man lang REW mag paalam ka." naiinis na sabi nito saakin"Sorry, I forgot-"
"You forgot na may boyfriend kana?" malamig na tugon nito
"Hindi sa ganon. kasi-"
"Okay lang, alam ko namang napipilitan ka lang. Sige na matulog kana."
Bago pa mana ako makasagot at pinatay na ito ni Alex.
Sa tono ng pananalita ni Alex ay alam kong galit ito saakin.
To: Alex
Alex sorry na, hindi ko na uulitin promise.Ilang minuto ko inintay ang reply nito pero wala. Hanggang sa makatulog ako.
************************************
"Rew sorry ah? sana pala hindi na ako nag aya. Ayan tuloy nag away kayo ni Alex." nag-guilty na sabi ni Joy
"Okay lang. Kasalanan ko din naman" sagot ko.
Siguro sa susunod ay dapat maging maingat na ako sa mga kilos ko, dapat palagi ko na itong pag iisipan. Tama si mommy hindi nako kagaya ng dati.
Anong oras na ay hindi pa rin ako tine-text o tinatawagan man lang ni Alex.

YOU ARE READING
Between (Editing)
RomanceMercandez Twins Series #1 Mapapatawad mo nga ba ang mahal mo, kahit sobra ang kasalanan nito saiyo? Magagawa mo nga bang kalimutan ang sakit para lang makasama sya? Tama nga bang rason ang salitang "Mahal kita" para manatili ka, sa likod ng mga ito...