CHAPTER 7

14 1 0
                                    

Alex' POV

Flashback:

Rew is mine.

Kahit hindi pa ako ganong kasigurado kung mahal nya talaga ako, sisiguraduhin kong matututunan nya akong mahalin. After all hindi ako papayag na maki-pag break sya saakin.

"Anak, mukhang seryoso ka talaga sakanya ah" natatawang sabi ni Daddy.

Natawa din ako sa sinabi ni daddy. Kahit ako ay hindi inaasahang may babaing mamahalin ng ganito.

Nung pakiramdam kong tatanggihan nanaman ako ni Rew. Agad kong sinabi iyon sa parents, kaya naman nong sinabi ni Mommy na sya ang gagawa ng paraan para mapapayag ko na ito. Hindi na ko nag dalawang isip na pumayag.

Sabi ni Mommy ay gumawa ako ng isang sorpresang hindi mahi-hindian ni Rew.

Kaya nang gabing iyon ay kahit pakiramdam kong napipilitan syang pumayag ay masaya padin ako.

Ngayong kami na. Sisiguraduhin kong mabubura sa sistema nya yang Dave na'yan.

*************end********************

Rew's POV

"Himala ata hindi nakalitaw yang balikat mo?" takang tanong ni Sienna.

Natigilan naman ako sa ginagawa ko.

"Baka naman may tinatago ka dyan? hmmm?" may nag lalarong ngisi sa labi ni Joy.

"Baka may hickeys?!" sigaw ni Sienna

Sinamaan ko ito ng tingin. Baka mamaya ay may makarinig sakanya.

"Wala akong tinatago. Ito lang napili kong isuot ngayon" depensa ko.

"O baka naman....."

"Shut up, hindi ba pwedeng ito lang ang gusto ko ngayon?!" iritang sabi ko.

Dapat pala tinakpan ko nalang ito.

"Sienna kumusta naman kayo ng nanliligaw sayo?" takang tanong ko

Hindi na kasi ito nag ku-kwento saamin tungkol dito.

"Okay naman. Gusto nga nyang ipakilala ko sya sa parents ko sa sabado."

Nararamdam ko na parang hindi ito masaya.

"Oh bakit hindi ka mukhang masaya?" tanong ni Joy

"Nakipag make out kasi ako kahapon sa lalaking nakilala ko sa bar"

"WHAT THE HELL?!" sabay na singhal namin ni Joy.

"Make out lang naman yon!"

"Lang?! nasisiraan kana ba? sinabing mong gusto mo din si Ken para ka na ring nag c-cheat." singhal ko.

"Nasabi mo naba?"

"Hindi pa"

"Problema yan." tanging nasabi ko.

Naiinis ako sa ginawa nito kay Ken pero hindi ko din masisisi ang kaibigan ko. Dahil sobrang clumsy nito kapag nakaka-inom.

Ang pinag kaiba lang ngayon ay meron syang manliligaw.

"May aaminin din sana ako." kabang sabi ko.

Kaibigan ko sila. Nag papaka-totoo sila saakin, kaya tama lang siguro sabihin ko ang tunay kong feelings kay Alex.

"Ano? don't tell me nag c-cheat ka din kay Alex?!" pagalit na sabi ni Joy

"Naalala nyo nung nakaraan, nung ipinakilala ako ni Alex sa family nya? I didn't expect na tatanongin nya ako sa harap ng parents nya. Wala akong naging ibang choice kundi pumayag. Gusto ko si Alex oo, pero mag kaiba kasi ang depinisyon saakin ng mahal at gusto. Gusto kong tuluyan na makalimutan si Dave gamit si Alex, pero hindi ko talaga matanggi na mahal ko padin si Dave at gusto ko lang si Alex." Amin ko.

"So ang sinasabi mo, hindi mo mahal si Alex" malungkot na tanong ni Joy

"Oo" nag aalanganing tanong ko

"Pero madami pa namang oras. Matututunan ko din syang mahalin ng walang Dave."

"Prend hindi naman sa nasa side ako ni Alex, pero hindi ba parang ang unfair naman? si Alex mahal na mahal ka pero ikaw?" makahulugang sabi ni Joy

"Ang mabuti pa gumimik nalang tayo mamaya" aya ni Joy

"G ako dyan"

Tumango na lamang ako.

************************************

"Oh off lahat ng cellphone ah? walang kj" sabi ni Sienna.

Agad namin pinatay ang mga cellphone namin. Maganda na rin ito walang istorbo.

Pumunta kasi sa bar na favorite naming tambayan.

"Tara girls sayaw tayo"

Wala nakong magawa ng hilahin na mismo ako ni Sienna.

Naramdaman kong may kumapit sa bewang ko galing sa likod. Hindi ko ito hinarap at nag patuloy sa pag sayaw. Hindi ko din suot ang singsing na ibinigay ni Alex saakin.

Naramdaman kong hinila ako nang nasa likod ko papalapit sakanya.

"Hi miss" bulong nito saakin
Biglan nito akong hinalikan sa pisngi

Humarap ako sakanya para tignan ang mukha nito. Nagulat ako ng makita kung sino ang nasa harapan ko.

"A–alex?!" gulat na tanong ko.

"Kilala no ang kapatid ko?!" sigaw nito para magkarinigan sila.

Dahil sobrang ingay ng paligid ay sobrang lapit namin sa isa't isa.

"I'm Alesson" ngiting sabi nito.

"Nice to meet you."

Lumayo ako ng kaunti.

"So kilala mo pala ang kakambal ko?"

"Kakambal? ahm girlfriend nya ako" pakilala ko.

Alam kong may kapatid si Alex pero hindi ko alam na twin sila.

"Ikaw pala ang babaing kinakabaliwan ng kapatid ko? well hindi ko sya masisisi." makahulugang sabi nito.

Nginitian ko na lamang ito at tinalikuran. Hinanap ko sila Joy at Sienna, dahil bigla itong nawala.

Tinignan ko ang wrist watch ko.
9:34PM na pala. Patay.

Hindi ko namalayang sinusundan pala ako ng kapatid ni Alex.

"Samahan mo naman akong uminom." aya nito sakin

"Ah hindi na. Hinahanap ko nalang mga kasama ko, pauwi narin kami"

"So kailan pwede?" tanong nito.

"Hindi ko alam. Sige na"
hindi nanaman sya pinilit nito at umalis nalang.

"Rew! andyan ka pala." tawag ni Sienna

"Si Joy?"

"Sa C.R lang"

"Io-on ko na sana cellphone ko papasundo ako kay Kuya Bert." sabi ko.

"Wag na, baka magalit daddy mo kapag nalamang nag bar tayo. Ako na mag hahatid sayo"

"Okay"












Thankyou for reading my boring story hehehehehe. ahwaeeee.

Between (Editing)Where stories live. Discover now