CHAPTER 2

21 3 0
                                    

HINDI ko maintindihan kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko. Dahil ba ito sa I love you nya? sa halik nya? o sa kami na?

Halo halong tanong ang nag lalaro sa utak ni Rew. Paano nalang kapag nalaman ito ng parents nya?

Napabuntong hininga si Rew. When she heard a knock.

"Rew anong oras ka pa umuwi? sabi ni Manang Rosie hindi pa daw nagagalaw ang hinanda nyang pagkain. May masakit ba sayo?"

"Kanina pa po ako naka uwi mom, actually pababa narin po ako."

"Sige anak sumabay kana saamin ng daddy mo tutal kakain narin kami".

Walang ganang sumunod si Rew sa mommy nya.

"Anak are you sure that you're okay?Parang kanina ka pa tahimik ah?" nag aalalang tanong ng Mommy nito.

"Ahm. Mom Dad... kung sakali po bang magkaroon ako ng nobyo papayag kayo?"

Nag katinginan ang mommy at daddy nito.

"Sweetie, bakit mo naman naitanong?" takang tanong ng papa nito.

"Bakit may balak ka nabang mag commit ulit?" sunod na tanong ng papa nito.

"Hindi po sa ganon. It's just..... naitanong ko lang po"

"Alam mo anak, hindi naman kami tututol kung mag kakaroon ka man ng nobyo. ang saamin lang ay sana h'wag ng mangyari ang katulad ng dati." malambing na tugon ng ina.

************************************

Hindi makatulog si Rew kakaisip kung tama ba ang ginagawa nya. Gusto nyang aminin kay Alex na ayaw nya talaga sa relasyon nila.

Maraming pero ang nagtatalo talo sakanyan. Pero na ayaw nya itong masakta. Pero na ayaw naman nya itong mahalin dahil lang sa ayaw nya itong masaktan.

From Alex:
Luv mom and dad wants to meet your parents tomorrow. Free ba sila?

Pagka tapos nyang basahin ang text nito pinatay na nya ang kanyang cellphone. Ayaw naman nyang sabihin na hindi pa nito nasasabi sa parents nya ang tungkol dito.

************************************
School.....

"REW ikwento mo naman samin! so ano anong ganap kagabi?" nagmamadaling tanong ni Sienna

"Ayon okay naman, mabait naman parents nya sakin"

"So ano kayo naba?" sabat naman ni Joy.

"Oo....."

"Ayyyy bongga!!! so anong feeling? masarap ba?"

Nanlaki ang mata ni Rew sa narinig.

"Ano bang klaseng tanong yan Sienna" saway ni Joy dito.

"Curious lang ako bes. So ano nga?"

"I don't know." tipid na sagot nito

"Ano bang klaseng sagot yan Rew."

"Confirm! masarap nga si Papa Alex."

"Speaking of Alex. Rew si Alez palapit dito" kinikilig na sabi ni Joy.

"Pwede ko bang hiramin muna ang girlfriend ko?" tanong ni Alex.

"Oo naman yumm- este Alex"

"Sige na Rew, una na kami" paalam ng dalawa.

"Luv nasabi mo naba sa parent mo?" naka ngiting tanong nito.

"Alex kasi ano.... hindi ko naitanong kasi hindi sila umuwi kagabi. Siguro next time nalang" I lie.

"Ganon ba?" nanghihinayang na sabi nito.

"Sorry ah."

"Ayos lang, may next time pa naman. So may gagawin kapa ba?"

"Oo e, busy kasi ako. madami pang gagawin na projects" I lied again.

"Saan ka pupunta? gusto mo hatid na kita?"

"H'wag na, kasama ko naman sina Joy"
"

"Pwede bang bago ka umalis kumain muna tayo?" anito

"Nag mamadali na kasi ako Alex e, next time nalang siguro."

"Teka nga! iniiwasan mo ba'ko?" iritang tanong ni Alex sakanya.

"Hindi naman sa ganon Alex"

"Hindi sa ganon? so ano? kasi hindi kita maintindihan. Okay naman tayo kagabi ah?! You know what, nevermind!" malamig na sabi nito.

Tinalikuran sya ni Alex at naglakad palayo. Wala namang balak si Rew na sundan ito. Pero hindi nya maiwasang makaramdam ng sakit, feeling nito ang sama sama nya.

To Alex:
Sorry Luv, busy lang talaga ako. babawi nalang ako next time. I love you.

..

Between (Editing)Where stories live. Discover now