Rew's POV
Pakiramdam ko sa mga oras na'yon ay sobrang panghihina, alam kong sa sarili ko ay hindi ko naman talaga kayang saktan at iwan si Alex.
Pero ano itong nagawa ko? hindi ba't sinasaktan ko na sya patalikod?
Hindi ako makatulog, magdamag kong inisip kung sino nga ba sakanila ang ayokong mawala saakin?
And I realized na mas mahal ko talaga si Alex kesa kay Aless. Siguro ay nadala lamang ako ng awa at takot na masaktan ko ito.
Kung maari ay gusto ko ng putulin ang ano mang meron saamin ngayon ni Aless, gusto kong magsimula kasama si Alex.
Kinuha ko ang phone ko, hinanap ko ang numero ni Aless at tinawagan ito
Calling Aless........
"Hello Baby!" masiglang bati ni Aless saakin
"A–aless" nauutal sa sabi ko
Hindi ko alam kung saan ba dapat ako magsimula, pero ang gusto ko lamang ay matapos ito ng maayos.
"May gusto sana akong sabihin" deretso kong sabi. Pilit kong pinapatapang ang boses ko.
"Go on"
"Tigilan na natin itong ginagawa natin" matapang na tugon ko
"WHAT.THE.HELL?!" sigaw nito
"Hindi ko na kaya Aless, I'm sorry" nanginginig kong sabi.
"No, no Rew mapag uusapan naman natin ito hindi ba?" rinig ko ang pagkabasag ng boses nito
"Sorry Aless"
Agad kong ibinaba ang tawag ko. Nag tipa ako ng mensahe para kay Alex
To Alex:
I'm sorry. Promise babawi ako.Naramdaman ko na lamang na tumutulo na pala ang luha ko. Siguro ito ang luha ng sobrang guilty.
ALEX' POV
Nagulat ako sa natanggap kong message galing kay Rew
Ayoko ng ganitong pakiramdam na pinaghihinalaan sya. Pero anong masama kung tatanungin ko sya.
Palagi kong tinatanong sa sarili ko na, kapag ba sobra ang naging kasalanan saakin ni Rew mapapatawad ko ito?
To Luv:
Pupuntahan kita.Agad akong kumilos, kailangan kong makausap ng maayos si Rew bago pa mahuli ang lahat.
Ayokong masira ang relasyon naming dalawa.
Pagkababa ko ay nakita ko si Kuya na nakaupo na parang galit na gamit
"Kuya!" bati ko
"Oh" gulat na sabi nito
"Okay ka lang ba?" takang tanong ko.
"Oo naman, saan ka pupunta?"
"Kina Rew lang may paguusapan lang kami.
"Sige" tipid na sagot nito bago umalis
Napapansin kong iba ang kinikilos ni Kuya. Pero pinag sa walang bahala ko na lamang ito
Very short update :<
Boringgggggg.

YOU ARE READING
Between (Editing)
RomanceMercandez Twins Series #1 Mapapatawad mo nga ba ang mahal mo, kahit sobra ang kasalanan nito saiyo? Magagawa mo nga bang kalimutan ang sakit para lang makasama sya? Tama nga bang rason ang salitang "Mahal kita" para manatili ka, sa likod ng mga ito...