CHAPTER 12

10 0 0
                                    


ALEX' POV

It's been 5 days since huli kong naka-usap si Rew. Kapag tatawagan ko sya sasagutin pero hindi ito nag sasalita, kung minsan ay hindi na sinasagot kahit ang mga text ko.

Ayokong mag isip ng kung ano-ano, pero hindi ko maiwasang mag tanong kung paano nalang na may iba na sya? paano ako?

Sinubukan ko nadin syang puntahan sa bahay nila, pero palagi kong nakakaharap ay kasambahay nila, palaging sinasabi na wala.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag simula ulit magtipa ng mensahe dito.

To: Luv
    Kailan mo ko balak kausapin ulit? ano bang problema saatin?

Hindi ako nag expect ng reply dahil alam ko namang wala akong matatanggap. Sobrang nag aalala na ako, natatakot ako na baka pag gising ko ay wala na pala sakin si Rew.

Rew's POV

NALILITO na ako, gusto ko na lamang takasan lahat ng problemang pinasok ko. Pero anong gagawin ko? nandito na ako.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na hiwalayan nalang si Alex, sa limang araw na lumipas ay napag isip isip kong tama na ang panloloko ko kay Alex.

Hindi ko deserve ang pagmamahal nya.

**********FLASHBACK*******************

"I love you, Baby" bulong sakin ni Aless.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko, tanging alam ko lamang ay gusto ko ito.

Nandito kami ngayon ni Aless sa isang hotel, dito nya napag desisyonang ituloy ang date namin.

"Mahal mo ba ako?" he whisper again.

Hindi ko alam ang sasagot ko, mahal ko si Alex pero normal bang mahal ko din si Aless?

T'wing nakatingin ako kay Aless ang tanging nakikita ko ay si Alex.

"Answer me" muling sabi nito

"I like you, Aless"  I said

Totoo ang sinabi ko, gusto ko nga si Aless.

"Maghihintay ako, basta ipangako mo na ako ang pipiliin mo samin ng kapatid ko" malambing na sabi nito

"A-ahmm....."

"Diba?" putol nito saakin

I nod.  Ngumiti ito saakin, at unti unting lumapit saakin.

"I love you so much"

Naglapat ang labi namin, Alam kong kasalanan ang ginagawa namin. Pero pareho naming gusto ito

*****************************************
Lumipas ang araw ay mas lalong lumalapit ang loob ko kay Aless. Hindi ko alam pero parang nawawalan na ako ng gana kay Alex.

Kapag tatawag ito ay kung sasagutin ko o papabayaan ko lang. Hindi ko din sinasagot ang mga text nito saakin.

Nag decide ako na palipasin muna ang araw bago makipag break kay Alex.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa tabi ko.

From: Aless
Good morning baby

Napangiti ako sa nabasa ko at nag tipa ng reply para dito

To: Aless
Good morning din.

Napangiti na lamang ako. Ito na ata ang tamang panahon para tapusin ko ang relasyon ko kay Alex.

*****************************************
Back to reality

ALEX' POV

Nagulat ako ng mag vibrate ang cellphone ko agad kong kinuha ito, galing kay Rew

From: Rew
  Meet me at ****** 4pm sharp!

Tumingin ako sa orasan 3:38PM na. Agad akong nag ayos. Binilisan ko kung maaari, ayokong mahuli.

Pagkatapos ko ay agad akong nag tungo sa lugar na tinutukoy ni Rew.

Natanaw ko kaagad si Rew. Agad akong lumapit dito, akmang hahalik ako dito pero pinilig nya ang ulo nya.

"Sundan mo ako, mag uusap tayo" malamig na tugon nito saakin

Sumunod ako dito, nakaramdam ako ng takot.

Ito na ba'yon? Hihiwalayan naba ako ni Rew?

Pumasok kami sa isang private room.

Naupo ito at malamig akong tinignan. Napansin ko ay may mga pagkain na nakahanda dito.

"Maupo ka. Hindi na kita hinintay na dumating para umorder, hindi nako magpapaligoy ligoy Alex. May gusto akong sabihin sayo" dire-diretsong salita nito

"Luv may problema ba tayo?" kinakabahang tanong ko

"Alex ayoko na" malamig na sabi nito

Wait?! what?! tama ba ang narinig ko?

Agad nangilid ang mga luha ko.

"Luv anong klaseng joke ba yan?" natatawang tanong ko

"Seryoso ako Alex." walang emosyon na sabi nito

"Luv, sabihin mo nag j-joke ka lang please!" maka-awa ko.

Tuluyang bumagsak ang luhang pinipigilan ko. Hindi ko kayang mawala si Rew saakin, ibinigay ko lahat sakanya. Walang matitira saakin kapag nawala sya

"Mag break na tayo please lang Alex"

Pinagtibay ko ang sarili ko. No hindi pwedeng mawala si Rew saakin. Pareho kaming nasa relasyon na to.

"Wala akong panahon sa mga tanginang joke mo REW, Now sabihin mo saaking nag j-joke ka lang dahil hindi ko alam ang magagawa ko sayo!" banta ko

"Alex wag mo nang gawing komplikado ang lahat"

"SHUT UP! ginagago mo ba ako? makikipag break ka saakin ng hindi ko alam ang dahilan! BIGYAN MO AKO NG RASON KUNG BAKIT GUSTO MO AKONG IWANAN" sigaw ko dito

"Sawa nako sayo" tipid na sagot nito

Ang kaninang pinagtibay kong sarili ko ay biglang gumuho.

Naalarma ako ng biglang tumayo si Rew

"No please, please Rew. Wag mo kong iwan, kailangan kita. Paano na ako?" makaawa ko

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko, nakita kong umiiyak na din si Rew.
Agad kong nilapitan ito at niyakap, hindi maman ito nag pumiglas.

Alam kong mahal padin ako ni Rew.

"Shhhh" amo ko dito

"I love you" paulit-ulit na bulong ko dito

"Sorry" bulong nito

I knew it!

"Shhhhh, tahan na."

"Sorry" ulit nito

Hinigpitan ko ang yakap dito. Hindi ko kayang mawala ang babaing ito saakin.















NAKAKA-IRITA SI REW😬

Enjoy reading.....💙

Between (Editing)Where stories live. Discover now