Alex' POV
Napangiti ako ng matamis nang maalala ang lahat. Naalala ko noon ay ayaw na ayaw sakin ni Rew, iwas sya palagi saakin.
Flashback (Four months ago)
Gab's calling....
"Hello? bro, hindi kita mapupuntahan. may gusto kasing ipakilala sakin tong kapatid ko eh."
"What? alam mo naman kung gaanon kahalaga to satin." I said.
"Bro pasensya na talaga. Kung gusto mo sumama ka nalang saamin, para ma excuse mo narin ako."
In a irritated voice I said "Saan ba? at siguraduhin mong hindi masasayang ang oras ko dyan Perez!"
"Hindi bro, maganda daw ipapakilala ng kapatid ko" malokong sabi nito
"Sige na, itext mo saakin ang address ng coffee shop at anong oras"
Kapag talaga sa babae mabilis yang si Gab. Na-recieve ko naman ang text nya.
Nahiga ako sa kama habang nag iisip. Hindi ko namalayang natulog na pala ako.
Nagising na lamang ako ng makarinig ng ingay mula sa cellphone ko.
GAB's. calling......
"Shit. Late na ako." singhal nya sa sarili nya.
Hindi ko na pinansin ang tawag nito. At nag madaling naligo't nag bihis.
"Mom may pupuntahan lang po ako, kasama ko po si Gab."
"Mag iingat ka honey." payag naman ni Mommy.
Gab's calling.
"Bro naman saan kana? halos one hour kanang late eh." iritadong tanong nito.
"Oo na, papunta na."
bago pa makasagot si Gab ay ibinaba ko na ang cellphone.Pinaandar ako ang sasakyan at nag tungo sa sinasabing lugar ni Gab.
To Gab:
Nasa labas na ako. Saan kayo banda?From Gab:
Wait. lalabas ako.Nang makapasok kami ni Gab sa loob ay nakita ko ang kapatid nitong may kasamang babae.
Kilala ko ang kapatid ni Gab dahil minsang ko na itong nakilala sa bahay nila.
"Alex long time no see." bati nito saakin.
"How are you?" tanong ko.
"I'm fine, ikaw? Any way Alex si Rew, bestfriend ko" pakilala nito saakin.
"Nice to meet you" sabi ko.
Tumingin lamang ito saakin at ngumiti. Well I admit maganda sya, hindi ganon kaputi pero kung titignan makinis itong babae. May pagka maliit nga lang.
"Upo ka Alex." aya ni Joy.
"So ano kuya? type mo ba si Rew." ngiting tanong ni Joy.
Nahalata ko namang hindi komportable ang si Rew.
"Well, ikaw Alex type mo ba?"
Nagulat naman ako sa tanong ni Gab. Type ko? Ofcourse not!
"She's not my type." malamig na tugon ko.
"Eh ikaw kuya?"
"Teka Joy! para mo naman akong ipinapamigay dito." biro ni Rew.

YOU ARE READING
Between (Editing)
RomanceMercandez Twins Series #1 Mapapatawad mo nga ba ang mahal mo, kahit sobra ang kasalanan nito saiyo? Magagawa mo nga bang kalimutan ang sakit para lang makasama sya? Tama nga bang rason ang salitang "Mahal kita" para manatili ka, sa likod ng mga ito...