1

4.6K 80 0
                                    

Ako si lisa ,5 yrs. Old ako ng mamatay ang daddy ko madami ang nagbago ng mawala siya, 12 yrs. Old na ako ngayon at halos dalawang taon na si mommy nagkaron ng relasyon sa isang negosyante lalake, pakiramdam ko hindi naman siya mahal nito at habol lang ang naiwang negosyo ni daddy.

Pauwi na ako sa bahay ng makarinig ako ng ingay tumakbo ako at nagmadaling makapasok, naabutan ko dito ang stepfather ko na sinasaktan si mommy .


"Bitawan mo siya!!!!" --sigaw ko agad naman siyang tumingin sakin at binitawan si mommy .


"Anak lumabas ka ,wag kang sumali dito!, labas dali!" --pag papaalis sakin ni mommy.


"Tumahimik ka dyan!, ang tagal ko ng nagtitimpi sa batang to, bakit ang sama mo makatinging bata ka ,ano bang magagawa mo ?!!" --hinila niya ang damit ko, at halos masubsob ako palapit sakanya.


"Hindi porket bata ka at babae ka hindi kita papatulan !, yang tapang mo yan ang papatay sayo!, sabi kong wag mo kong tignan ng ganyan!" --sinapak niya ako .


"Wag!!!, ako nalang ang saktan mo wag ang anak ko parang awa mo na." --paghila sakanya ni mommy.


"Wag kang mag alala ikaw ang isusunod ko dito!!" --sabi nito sabay tulak kay mommy.


"Mommy !"


"Aba bilid din ako sa batang to , hindi kaba nasasaktan? ,bakit hindi ka umiyak ,magmakaawa baka palampasin pa kita" --tinignan ko lang siya ng masama .



"Gusto mo talagang masaktan !" --paulit ulit niya ako sinapak hanggang sa dumugo ang ilong at bibig ko, unti unting lumabo ang paningin ko, tinulak niya ako at tumawa ng makitang halos hindi na ako makatayo .

Ilang beses siyang sinubukang pigilan ni mommy pero lagi lang siyang tinutulak nito.


"Ngayon bagsak na ang anak mong siraulo, akalain mong wala naman siyang magagawa pero ang sama makatingin , ikaw ano gusto mo ding matulad sa anak mo?!" --sabi nito at itinayo si mommy .


"Sabi kong bitawan mo siya!!"--sigaw ko hawak ko ang suot kong kwentas .


" anak wag! ,wag mong aalisin yan!" --sigaw ni mommy.


"Ano bang pinagsasabi niyo?! ,ikaw manood ka nalang ni hindi kana nga dyan makatayo sisigaw sigaw kapa !, ikaw naman tumahimik ka!" --sinapak niya si mommy ,tuluyan ko ng tinanggal ang kwentas ko at binato ito .


ShAdoWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon