19

845 38 6
                                    

LISA's POV.

"Hindi !!!!!!" ---napabangon ako sa sama ng panaginip ko, pawis na pawis ako na akala mo ay walang aircon sa kwarto ko .Bakit kailangang ganon ang panagip ko , hindi ko magagawa yun ! .

Agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa CR, naghilamos ako at naalala ang panaginip ko kung saan kita ko ang patay na katawan ng mga malalapit sa buhay ko, gusto kong makita ang mukha ng pumatay sakanila kaya hinabol ko ito at ng maabutan ko laking gulat ko ng lumingon ito at mukha ko ang nakita ko, hinding hindi ko kayang saktan ang mga mahal ko sa buhay, biglang sumagi sa isip ko ang aninong sumasapi sakin, hindi ko maitatangging iba ang aninong yun dahil siya kayang kaya niyang pumatay kung hindi siya mapipigilan .




"Oh lisa ok ka lang ba??" --tanong ni rosie paglabas ko , tumango lang ako at papasok na sana ng kwarto ng mapansin kong wala si jennie.



"Kung si jennie ang hinahanap mo maaga siyang lumabas sabi niya niyaya daw siya ni kai na kumain sa labas" --paliwanag ni rosie.



"Wala akong sinabi at wala akong paki" --sabi ko sabay pasok at sara ng pinto ng kwarto ko .



ROSIE's POV.

Mahuhulog puso ko sa gulat sa lakas ng pagsara niya ng pinto ,grabe ang bitter naman .



"Anong ngyari dun?" --tanong ni jisoo.



"Wala !,at wala kang paki!" --sigaw ko sakanya saka ako mabilis na pumasok sa CR, pano badtrip nanaman ako sakanya ,wala talagang umagang hindi siya sumusulpot sa harap ko pagka gising ko napaka consistent niya sa sinabi niya noon ,lagi ko namang sinasabi sakanyang hindi nakakatuwa ang gumising sa umaga na makita ang pagmumukha niya .




JENNIE's POV.

Pinuntahan ko si kai dahil sa may utang na loob ako sakanya ,hindi dahil sinasabi ni rosie na baka gusto ako ni kai at kahit gusto niya ako hindi ko si----



"Hi jennie, kanina kapa ba?, sorry ah may dinaanan lang ako bago pumunta dito, flowers for you" --nakangiti niyang sabi sabay abot sakin ng bouquet na red roses .




"Thank you ,nag abala ka pa" --sabi ko dito sabay amoy ng bulaklak , ito ang unang beses na makatanggap ako ng bulalak .





"Nako basta para sayo hindi yun pang aabala , ah buti pa mag order na tayo" --tumango ako at tumingin ng makakain .

Habang masaya kaming nag kkwentuhan at kumakain napansin ko na parang may nakatingin samin ng tignan ko ito, hindi ako sigurado pero parang nakita ko si lisa.




"Jennie may problema ba?"




"Ah wala naman"




"Ok uhm kalabisan ba kung yayayain kita mag joy ride pagkatapos natin dito?" --nakakahiya tumanggi sakanya ngayon kaya ngumiti ako .




ShAdoWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon