31

797 27 3
                                    

LISA's POV.

"Aminin mo na kasing si kai ang big boss niyo habang mabait pa ko!" --sigaw ko sakanya.

"Hahaha mukha ba akong natatakot sayo bata?, at isa pa kahit magsalita ako sapat na ba yun para maipakulong mo siya?, hindi mo kilala ang binabangga mo!" --sagot nito , nahabol at nakuha namin siya kaya dinala namin siya sa isang abandonadong building .

"Kaya ka nga nandito para sabihin at bigyan ako ng ebedensya laban sakanya"

"Hahaha nasisiraan kana!" --dinuraan niya ako .

"Matigas ka !" --sinutok ko ito pero tumatawa parin siya, hindi ako tumigil hanggang sa makakita ako ng bato, pinulot ko ito .

"Talagang mag mamatigas ka ah" --ipinatong ko ang kamay niya sa mesa hawak ko ng isang kamay ko ang kamay niya habang sa kabila at hawak ko ang bato .



"Kung papatayin mo ako gusto kong makita ang demonyo sa loob mo , sabi ni boss nakakamangha ito at balang araw magiging kakampi karin namin!" --sabi nito.

"Kahit kailan hindi ako magiging katulad niyo!!!"

"Ahhhhh!!" --sigaw niya ng pokpukin ko ang kamay niya, tinuloy tuloy ko ito hanggang sa tumalsik na ang dugo ng kamay niya sa mukha at damit ko .

"Lisa " --paghawak sakin ni jennie , kumalma naman ako ng dahil sakanya.

"Yan ang gusto nila magalit ka wag mong kakalimutan kung bakit tayo nandito "

"Ano yun lang ba ang kaya mo ?!!!" --sabi nito na parang nang iinsulto .

"Durog na ang kamay mo ang tapang mo parin eh kung pasabugin ko nalang ang bungo mo !" --timutukan ko ito ng baril sa ulo .

"Sige iputok mo !" --pag hahamon nito .

"Lisa teka lang!" --pagpigil sakin ni jennie, hinila niya ako palayo .

"Jennie hindi ko siya papatayin relax ka lang pwede ba?" --sabi ko sakanya .

"Alam ko naman pero may alam akong kahinaan niya" --nakangiti nitong sabi .

ShAdoWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon