ROSIE's POV.
Sinundan ko si jisoo ng lumabas ito ,nagulat ako ng makita ko ang babaeng kasama ni jisoo sa mga picture na nakita ko sa kwarto niya noon. Agad na nagyakapan ang dalawa ng magkalapit ito, hindi maipinta ang tuwa sa mga mukha nila, hindi ko alam kung bakit parang naiinis akong masaya siya kausap ang babaeng yan ,ano bang dapat kong gawin?! .
JISOO's POV.
Tumawag sakin si Soo joo na nakarating na siya dumaan muna siya sa hotel na tutuluyan niya para iwan ang mga gamit niya, ngayon ay nasa labas na ito ng ospital, nag paalam ako kila papsi na may pupuntahan lang ako, nagmadali akong lumabas para makita siya . Malayo pa ito ay nakita ko na siya . Tumakbo ako palapit sakanya at niyakap siya.
"I miss you" --sambit ko sakanya .
"I miss you too, sorry ngayon lang ako nakapunta hindi kita nabisita agad, kamusta ang tama mo?" --tanong nito .
"Ok lang daplis lang naman malayo sa bituka, alam mo namang masamang damo mahirap mamatay haha"
"Ayan ka nanaman di ka parin nag babago hahaha" --habang nagtatawanan kami ay may parang masamang kutob ako , parang may kung anong mangyayari .
"Buti pa pumasok na tayo ipapakilala kita kila papsi"
"Ok tara" --kumapit siya sa braso ko at maglalakad na sana kami papasok ng ospital ng makita ko si rosie na ang sama sama ng tingin samin .
"Sino yan?!" --naka cross arms niyang tanong , hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa ginagawa niya, kala mo kung misis ko siya at nahuli akong ng babae nakakatakot ang itsura niya.
"Ah ,i think your rosie, ang laging nakkwento sakin ni jisoo, hi I'm soo joo " --pag abot ni soo joo ng kamay niya kay rosie, tinignan niya lang ang kamay nito at tumingin sakin .
"Ah, bestfriend ko yan, siya yung sinasabi kong dermatologist na kilala ko, pinakiusapan ko siya na pumunta at tignan ka" --paliwanag ko .
"Actually hindi lang yun ang pinunta ko dito, syempre miss na miss na kita " --pag kurot ni soo joo sa pisngi ko .
"Mag usap nga tayo!" --nagulat ako sa pag sigaw niya, hinila niya rin ako sa isang tabi .
"Siya yung babaeng gustong gusto mo diba?!, bakit kailangan niyong mag sinungaling na bestfriend mo lang siya, anong iniisip mo magseselos ako ah?!, kahit mag asawa pa kayo wala akong pakialam!"

BINABASA MO ANG
ShAdoW
FanfictionPag pumasok na siya sa katawan ko wala na akong magagawa para pigilan siya . .