5

1.3K 43 4
                                    

LISA's POV.

"Captain ito na po yung hinihingi niyong files, matagal narin naming tinututukan ang kasong yan, may mga nahuhuli kami pero walang umaamin wala rin sakanila ang nakakakilala sa big boss"




"Ok thank you, update mo ko pag may bago kayong nakuhang impormasyon "





"Ok po ma'am, ah teka lang ma'am hindi ko alam kung makakatulong po ba to pero sa tagal kong pinag aralan ang kasong yan malaking sindikato talaga sila, tingin ko isa lang ang may hawak sa lahat ng ngyayaring malalaking krimen dito mula sa nakawan, scam, kidnapping ,at illegal drugs"




"Pano mo nasabi ?"--tanong ko sakanya.




" ilan po sa nahuli namin noon ay may pare parehong tattoo sa likod tinging ko sila yung matagal na sa samahan "





"Anong klase ng tattoo ang nakita mo?"




"Tigre na may kagat na baril ma'am" --biglang humigpit ang hawak ko sa folder .




"Nandito parin ba sila nakakulong??"




"Karamihan sakanila ay nakapag pyansa ,at yung iba walang matibay na ebidensya ,kaya halos wala narin sila dito ilang taon narin ang nakalipas ma'am, tingin ko nagiging maingat na sila ngayon"





"Ok sige lumabas kana ,salamat " --umalis na siya at huminga ako ng malalim, hindi ako pwedeng sumabog sa galit ngayon ,pero hindi ko narin pwedeng patagalin pa ang paghuli sa mga halang na kaluluwang to .




ROSIE's POV.

Pauwi kami ngayon ni lisa sa lugar ni papsi, ilang oras din ang byahe namin, hindi ko alam bakit biglang uuwi kami ngayon alam ko linggo pa usapan nila ni papsi sabado palang ngayon .




"Lisa may problema kaba?" --tanong ko sakanya , mahirap hulaan ang nararamdaman ni lisa , pero sa tagal naming magkasama alam kong may bumabagabag sakanya.





ShAdoWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon