JISOO's POV.
Nasan na kaya si jennie , akala ko nasa labas na siya ng ospital, papunta narin dito si general at commissioner ang totoo niyan pareho ko silang pinapunta ng hindi nila alam na magkakaharap sila isa sakanila sigurado ako ang kasabwat ni kai sa lahat ng to, naayos ko na ang plano, sa ganitong paraan malalaman ko kung sino ang traydor .
"Jisoo" --pag tawag ni rosie, nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya.
"Rosie wag kang mag alala malapit na natin silang mahuli, dito ka lang papunta narin si papsi dito, pababantayan din kita sa mga kasamahan natin"
"Mag iingat ka" --tumango ako at binitawan ang kamay niya.
Lumabas ako ng ospital, para hintayin ang pag dating dito ni commissioner at general .
"Sir!" --pag saludo ko ng dumating si commissioner .
"PO1, nasan na ang taong nahuli niyo?"
"Kung maaari lamang po mag hintay tayo kahit sandali " --sabi ko dito .
"Ok sige ,teka lang at may tatawagan ako " --sabi nito saka ito tumabi .
"Jisoo!" --agad akong sumaludo sa kadarating lang na si general .
"Nasan na siya?, bakit mo pa ako pinapunta dito ?" --tanong nito .
"Oh nandito ka general" --gulat na tanong ni commissioner .
"Ano po ang ginagawa niyo dito sir?" --tanong naman ni general.
"Ah nabalitaan ko ang nangyaring pagsabog dito kaya napadaan ako" --nagulat ako sa pag sisinungaling ni commissioner sabi ko na nga ba at may kakaiba sakanya .
"Ganon po ba"
"Ah sir excuse me ito po ang nahuli naming kasamahan ng isang malaking grupo ,malaki po ang maiaambag niya para sa ikadadakip ng mga ka grupo niya" --singit ko saka ko iniharap sakanila ang lalakeng hawak ko .
"Teka hindi nama ---" --napahinto si commissioner at napatingin kay general .
"Ipapahatid ko na po siya sa presinto " --dagdag ko pa .
BINABASA MO ANG
ShAdoW
FanfictionPag pumasok na siya sa katawan ko wala na akong magagawa para pigilan siya . .