"Sino ba yan ?, maganda sana pero nakakatakot ang itsura, napaka seryoso ,di makausap ,di man lang ngumiti"
"Perez pulis ka takot ka sa babae hahaha" --rinig kong usap usapan nila habang nakaupo lang ako dito sa loob ng police station .
"Anong takot tignan niyo gagawin ko!"
Humiga nalang ako sa upuan at nagtakip ng mukha gamit ang sumbrero ko .
"Ms. " --pagpukaw sakin ng isang pulis. Tinignan ko lang siya at nagtakip ulit ng sumbrero .
"Ms. hindi porket maganda ka eh pwede mo ng gawin ang gusto mo ,hindi to hotel o kung ano pa man police station to ,tinatanong ka ng ilang kasamahan ko kung bat ka nandito ni hindi ka sumasagot tapos bigla ka nalang hihiga dyan" --tumagilid ako at hindi ko siya pinansin .
"Aba Ms. baka gusto mong tumira nalang sa loob ng selda, bastos ka ah!" --bago pa niya ako mahawakan ,ay tumayo ako at pinilipit ang kamay niya.
"Ahh, lintik ka !" --lalaban pa sana siya, pero naiposas ko na ang kamay niya .
"Wow ang bilis nun !" --pagkamangha ng iba sakanila.
"Pumunta ka dito para mag pasikat?!, alisin mo posas ko kahit babae ka masasaktan ka sakin!!!" --inis na sabi nito .
"Anong kaguluhan to !!" --nagsitabihan ang ibang pulis sa pagdating niya . Sinipa ko naman itong lalake sa harap ko at napaluhod siya .
"Sir!!" --pagsaludo sakanya ng mga nandito .
"Anong gulo to ?!, SPO3 Perez !, anong ginagawa mo dyan?!" --tanong nito sa nakaluhod na lalake sa harap niya.
"May inaayos lang po akong gulo sir."
"Anong gulo ang inayos mo?, bakit nakaluhod ka dyan at naka posas ?"
"May nakapasok na siraulo dito sa loob sir ,siya din ang may gawa nito sakin " --natuon ang atensyon nito sakin .
"Oh ,ang aga mo namang nakapunta dito Police Senior Inspector Manoban , welcome sa bago mong station, akala ko ba bukas ka pa mag rereport " --nakipag kamay ako sakanya.
BINABASA MO ANG
ShAdoW
FanfictionPag pumasok na siya sa katawan ko wala na akong magagawa para pigilan siya . .