6

1.2K 43 0
                                    

LISA's POV.

Dahil sa malapit sa tabing dagat ang bahay ni papsi mas narerelax ako pag nandito ako, walang masyadong tao at tahimik ang lugar nato .


Napansin ko ang pagsunod sakin ni rosie, alam kong maraming katanungan ang tumatakbo sa isip niya ngayon.




"Lisa" --sambit niya saka ito umupo sa tabi ko dito sa isang malaking bato.




"Siya ang pinakaunang taong naging kaibigan ko" --panimula ko tingin ko dapat ko din tong ikwento sakanya.




"Nung nakuha ako ni papsi at inalagaan malapit lang dito ang bahay nila jisoo, madalas siyang iwan ng mommy at daddy niya kay papsi kaya madalas kami noong magkasama, ugali ko na talaga ang hindi masyadong magsalita pero siya makulit at masayahin, kaya dumating ang panahon na nakasanayan ko ng kasama siya parang tayo ,pero isang araw may umaway sakanya umiiyak siyang umuwi noon hindi ko pa alam noon na pag nagalit ako ay lalabas ang demonyong anino na nakadikit sakin, susugurin ko sana ang umaway sakanya dahil wala pa nun si papsi, pero hinila ako ni jisoo at pinilit na wag na hindi niya alam na hindi na ako ang kumokontrol sa sarili ko, nabugbog ko siya halos mawalan na siya ng malay pero pilit parin siyang lumalapit sakin habang umiiyak nagmamakaawang tumigil na ako , buti nalang at dumating nun si papsi, kinuryente niya ako gamit yung binigay niyang gadget kagaya sayo para umalis sa katawan ko ang anino, dun namin nalaman na pag galit ako ay lumalabas siya at pag nakuryente ako umaalis siya, mula ng mangyari yun ay nilayo na nila si jisoo sa lugar nato, sabi ni papsi hindi daw sinabi at ayaw ipasabi ni jisoo sa parents niya na ako ang magawa sakanya nun, kami lang nakakaalam nun pero hindi na kami nakapag usap mula nun tingin ko galit siya sakin dahil dun hindi ko siya masisisi kung ang tingin niya sakin demonyo"





ShAdoWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon