16

887 31 4
                                    

ROSIE's POV.

Bumangon ako sa higaan at tinignan ang oras 9am na , napahawak ako sa ulo ko medyo may hang over pa ako .

Tumayo ako at binuksan ang pinto .

"Anak ng !!!" --halos mapaupo ako sa sahig sa pagkagulat na nasa labas ng pinto ko si jisoo, pikit pa ang mga mata nito .

"Good morning Ms. Beautiful , kahit antok pa ko bumangon ako para ako unang makita mo ,pang paganda ng araw mo" --sabi nito .Umayos ako ng tayo at tinulak siya.

"Itigil mo na nga ang bigla bigla mong pag sulpot sa harap ko tuwing umaga, tingin ko may sakit nako sa puso dahil sayo!" --napahawak ako sa dibdib ko . Agad naman itong humarang sa dadaanan ko at nanlaki ang mga mata.

"Hindi yan sakit sa puso!, normal yan sa mga taong naiinlove" --ngiting ngiting sabi nito, siraulo talaga kagabi lang para siyang pinag bagsakan ng langit at lupa ngayon baliw nanaman .

"Inlove mo mukha mo ,sa pagkain lang ako naiinlove, teka anong amoy yun?!" --tanong ko ng maka amoy ako ng sobrang bangong pagkain .

Nagtungo ako sa kusina ang kuminang ang mga mata ko sa nakita ko sobrang dami ng pagkain 💓 .At si jennie ang nag luluto .

Lalapit na sana ako sakanya para tanungin kung pwede na tumikim ng luto niya ng hilahin ako ni jisoo papalayo .

"Mag bihis ka " --seryosong sabi nito .

"Kakain lang kailangan pang mag bihis?"

"Sa labas tayo kakain"

"Maglalabas pa tayo ng mesa eh daanan dyan dito na sa loob!"

"Ang sabi ko sa labas ,sa restaurant hindi ko sinabing ilabas mo yung mesa at dun tayo kakain " --sabi nito . Natawa naman ako sa isip ko, haha hindi talaga ako makapag isip ng matino basta sa pagkain .

"Bakit pa ?, ang dami niyang niluto pag lumabas tayo gatos pa tsaka sayang naman parang ang sarap ng luto niya!"

"Alam mo hindi natin alam baka mamaya may lason ang pagkain na yun!"

"Wow judgemental!"

"Hindi natin siya ganon kakilala at alam ko at alam mong kriminal siya, pano kung inutusan lang yan para mas makilala nila tayo?"

ShAdoWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon