LISA's POV.
"Lisa iba ang pakiramdam ko dito masyado tong delikado" --bulong sakin ni rosie ,nasa isang auction event kami para nakawin ang isang pinakamahal na kwintas sa event na to, nagpanggap kaming kasama sa security , si jisoo at jennie naman ay nasa loob para maging look out kung sino ang makakabili ng kwintas nayun .
"Basta wag kang aalis sa tabi ko" --tumango naman si rosie .
Ilang minuto pa ay nakarinig kaming ingay.
Agad akong tumakbo para silipin ang ngyari .Lumapit sakin si jennie at nakita ko ang paghabol ni jisoo sa isang lalake .
"Lisa may kumuha sa kwintas, hinabol ito ni jisoo, sumunod ka sakin sa likod sila dumaan" --agad naman akong sumunod sakanya , at ganon din si rosie .
Bigla naman akong napahinto ng marinig ko ang sigaw ni rosie, may kumuha sakanya ,hinabol ko ito pero agad nitong naisakay sa isang van si rosie .
"Miss!" --sigaw ng isang lalake kaya tumingin naman ako sa direksyon nito nakita ko ang pagpigil ng isang lalake sa pagkuha kay jennie, tumakbo ako palapit pero nantutuk ito ng baril. Bago pa uli ako makagalaw ay may nagtakip ng kung ano sa ilong ko at nahilo ako . .
_______
Nagising ako sa ingay na naririnig ko may nagtatawanan habang merong parang umiiyak .
Minulat ko ang mga mata ko .
Si rosie at jisoo ang nakita ko nakatali at magkatalikuran ang dalawa umiiyak si rosie dahil sa paghawak sa mukha niya ng isang lalake, pinilit kong alisin ang nasa bibig ko , pero napansin ko ang nakasandal sakin, nilingon ko ito di ko man siya makita ng maayos alam kong si jennie ito .Wala akong magawa !, hindi ako makaalis sa tali , pano ko papanoorin ang mga kaibigan ko na nagkakaganito . Tuluyan na nga akong napuno ng galit wala ng ibang paraan para makaalis dito kundi ito . Pumikit ako pero walang ngyari hindi sumapi sakin ang anino, anong ngyayari?!, nilingon ko uli si jennie dahil sa pag galaw nito .
Ramdam ko ang paglikot ng kamay niya sa likod ko, bigla ko namang napansin na lumuwag ang tali . Agad kong inalis ang nasa likod ko at tumakbo palapit kay rosie sinipa ko ang tuwang tuwang lalake habang nakikipag laban ako ay pinapakawalan na ni jennie sina rosie at jisoo, buti nalang at dalawa lang ang bantay namin dito sa loob .
Agad akong tinulungan ni jisoo makipag laban ng makawala ito .
"Lisa!!!, si jennie !" --sigaw ni rosie ng may lalakeng nakahawak na kay jennie at tinutukan ito ng baril.
"Tumigil kayo!!" --sigaw nito ,huminto kami ni jisoo .
Delikado to malayo ako at nakatutok ang baril sa ulo ni jennie.
Napapikit ako sa narinig kong putok ng baril, sumigaw naman si rosie at rinig ko ang pag iyak niya . Agad akong tumakbo palapit kay jennie .
Wala itong tama ng baril, bumagsak ang lalakeng may hawak sakanya . Tumingin ako sa paligid at nakita ang lalakeng pamilyar ang mukha, ito yung lalakeng sumigaw ng miss kanina at tumulong na hindi sana makuha si jennie ng mga kidnappers ,anong ginagawa niya dito, nakita ko ang hawak nitong baril, siya pala ang nakabaril sa isang kidnapper agad itong lumapit kay jennie na ngayon ay nakatulala lamang .
BINABASA MO ANG
ShAdoW
FanfictionPag pumasok na siya sa katawan ko wala na akong magagawa para pigilan siya . .