7

1.2K 41 5
                                    

ROSIE's POV.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko galing sa bintana , tumagilid ako para matulog pa sana .

"Good morning miss beautiful!" --halos mahulog ako sa higaan ko sa pagkagulat na ang lapit lapit ng mukha naming dalawa .

"Wahhhhhh!!!!, anak ka ng!!!"

"Hahaha nakakagulat ba ang mukha ko?, nag iisa to sa mundo swerte mo pwede mong pagsawaan tong tignan"

"Bwesit ka !, panira ka ng araw, anong swerte baka kamo buong taong kamalasan dala mo grrrr!!!!" --binato ko siya ng unan at tumayo na grr .. Nakaka inis talaga, binuksan ko ang pinto ng kwarto para lumabas at nagulat naman ako kay lisa na nasa pinto ,hay nako mamamatay ako sa nerbyos ngayong araw .

"Anong ngyari sayo?" --tanong nito .

"May dagang pumasok sa kwarto ko ,bukas maglalagay ako ng mouse trap grrr. " --inis na sabi ko sinilip niya naman ang nasa loob hindi ko na sila tinignan pa mabilis akong pumasok sa CR. Panira talaga ng araw.

_________



"Sigurado kaba lisa sa plano mo ?" --tanong ko sakanya .

"Ito lang ang pinaka madaling paraan para mapasok ko ang grupo nila, hindi sila mapipilayan kung puro maliliit na taohan lang ang mahuhuli natin kailangan ko ng mas malalim na imbestigasyon at kailangan ko makilala ang big boss nila."

"Pero masyadong delikado to at tingin mo pano ka nakakasigurong sa grupo ka nga nila mapupunta?"

"Sa imbestigasyon ni papsi sa lugar nato madalas mangbiktima at magpakita ang ilang galamay nila ,mas malaki ang pag asang makapasok nga tayo sa grupo nila kung dito natin to gagawin "

"Ok sige pero di ako papayag na hindi mo ako kasama kahit san ka magpunta ok"

"Ou wag kang mag alala" --kinakabahan ako sa gagawin namin, pero tama si lisa kung hindi namin to gagawin mas mahihirapan kaming mahuli ang boss nila.

ShAdoWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon