21

841 35 0
                                    

LISA's POV.

Isang matangkad na lalakeng nakaitim na sombrero at itim na hoodie, ilang segundo pag labas ni jisoo ay nakabangga niya ito pero mukhang hindi ito pinansin ni jisoo, naka face mask at shades din ang lalake kaya mahirap talagang hulaan kung sino at ano ang itsura nito ,isa lang ang sigurado ako nasa tabi tabi lang sila at maaaring nakakasalamuha namin .

Binuksan ko ang box at tinignan ang laman nito. Ano ba talaga ang malalim na dahilan ng banta sa buhay ni jennie .

____

Nasan ako?, wala akong nakikita kundi dilim .

"Lisa"--pagtawag sakin ng isang boses .

" sino ka?!, nasan ako??!" --tanong ko .

"Ako ay ikaw , wag mong isiping mag kaiba tayo, iisa lang tayo sinusunod ko lang kung ano ang totoong nasa loob mo, kung iniisip mong kalaban mo ako , nagkakamali ka ,hanggat iisa tayo walang makakatalo satin"

"Ikaw !!, wag mong sasabihing iisa tayo !, hindi ako katulad mo !, hindi ko magagawang saktan pati inosenteng tao!, lalong lalo na ang mga taong malapit sakin!"

"Lisa lagi mong tatandaan hindi mo kailangan ng ibang tao , darating ang araw malalaman mo kung gano ka kalakas kung tatanggapin mo lang na ako ay ikaw ,wag kang maniwala sa ibang tao walang totoong nagmamalasakit sayo, lahat sila hindi ka nila gusto"

"Tumigil ka!!, ikaw ang hindi ko kailangan!"

"Hahahaha!!, wag mong itatanggi lisa dahil pag nasa panganib kana ikaw mismo ang tumatawag sakin, ikaw mismo ang gumigising sa totoo mong pagkatao , natatakot kang makapatay?, lisa matagal ka ng may pinatay nakalimutan mo na ba ang saya mo ng araw na yun?, hahaha mauulit at mauulit yun ,alalahanin mo !"

"Anong pinagsasabi mo?!, buong buhay ko hindi ako pumatay ng tao!"

"Hahaha papatayin mo rin lahat ng taong malapit sayo ,hindi mo matatakasan ang kapalaran mo lisa ,matatanggap mo rin na ako ay ikaw!"

ShAdoWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon