Exceeding Zero

3.7K 58 2
                                    

Warning! SPG Ahead!

Engineer

"Congratulations! Mayor Loren Aurora Ramos. Kung tutuusin, ikalawang termino mo na ito. You are a very good mayor back then," sabi ng isang abogado na kabilang sa mga mayayaman at kilalang pamilya sa aming bayan.

"Thank you, I was just doing my job. Thank you for trusting me again. Mas pagbubutihan ko pa po," sabi ko at ngumiti. Totoo naman kasi, 'tsaka masaya namang maglingkod sa mga tao lalo na kung puro ang intensyon mo.

Nagpaalam s'yang makikipag-usap pa sa iba kaya naiwan ako. Luminga ako at lumapit sa mga kapartido kong nagsasaya rin sa aming Victory Party. I can see and feel that they are all happy. Hindi ko alam kung para saan, kung dahil ba sa nanalo kami o dahil sa hindi kami nawalan ng trabaho at meron pa ring darating na pera sa aming mga palad? Alam kong hindi naman mawawala sa pulitika iyon. Matagal ng sakit iyon ng bansa. Parang cancer na palala lang nang palala. But I won't let myself be affected of that disease. My intentions are pure, walang halong pamemera.

"Congrats, Mayor Loren," sabi ng ilang taong nadaanan ko. Nginitian ko sila at nagpasalamat. I am very happy with the attention I am getting. This is what I want from the very beginning, ang mapansin lahat ng tao ang mga ginagawa ko. Being appreciated is what I always desire.

"Inom pa tayo, Mayor!" sabi ng bagong Vice Mayor na si Kayla na kapartido ko din.

"Sure, why not?!" Nagtaas ako ng kilay at tinanggap ang isang malaking baso na may lamang matapang na alak.

Lalo pang naging maingay ang paligid at dumami pa ang mga umiinom. Maging ako ay nawala na sa sarili dahil sa dami ng ininom ko. Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ng hilo. Hindi naman kasi ako lasenggera at panay lang ang tanggap ko sa mga inumin na binibigay sa akin.

"You okay?"

Napatingin ako sa nagsalita, hinawakan niya ang braso ko at inalalayan upang makaupo.

"Yeah, thanks," sabi ko kay Engr. Dickson Fuertez.

"Naparami na yata ang inom mo?" tanong
nya at pinagmasdan ako.

Umiling ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Ayos pa ako. Don't worry," sabi ko at tumayo upang pumunta sa mga nagsasayaw.

Ramdam ko ang pagsunod nya sa akin. Hindi ko sya pinansin at nakisayaw na lang sa mga taong lasing na rin. Pumwesto si Engr. Fuertez sa harap ko at sumayaw rin.

"Congrats sa pagkapanalo mo," bulong nya sa akin.

Pabiro akong umirap. "Thanks! Hindi pa man ay sumisipsip ka na sa akin. Bakit? Takot kang matanggal sa trabaho?!" sigaw ko sa kanya para marinig nya ako. Sobrang lakas ng music at hindi kami magkarinigan. Parang sasabog na ang eardrums ko.

Umiling sya habang nakangiti. "Bakit? May balak ka bang tanggalin ako? At saka sipsip kaagad? 'Di ba pwedeng masaya lang ako para sa kaibigan ko?"

Oo nga pala, kaibigan ko nga pala ang isang ito. Sobrang lasing na ba ako kaya nawawala na rin ang mga laman ng utak ko?

Nagkibit-balikat ako at sumayaw na lang. Sumayaw din sya sa tabi ko. Nalaman kong lasing na rin sya dahil kakaiba na ang kinikilos nya. His hands are travelling around my body and I just don't care.

"Lasing ka na rin, eh!" sigaw ko sa kanya habang umiinom sya ng alak na nasa bote pa.

Binigay nya sa akin ang alak at ako naman ang uminom. Sabay kaming tumawa nang maubos namin ang laman at kumuha pa ng isang bote. I am getting crazy. I don't know? Best feeling ever? Iyong malaya?!

Lumalim pa ang gabi at nagsimula ng pumungay ang mga mata ko. I am drunk but still managed to admit it to myself. Dinala ako ni Dickson sa tahimik na lugar.

Exceeding The Lightlessness Of Present (EX Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon