Special Chapter 2

777 31 6
                                    

Nakita ko ang pag-irap muli sa akin ni Loren habang sapo ang malaki niyang tiyan. Natawa ako sa loob-loob ko dahil akala niya ay nakalimutan ko ang kanyang kaarawan.

"Bilisin mong kumain, hindi mo naman liligpitin 'yan," masungit na sabi niya kaya mas lalong lumakas ang pagpipigil ko sa aking tawa.

"Opo, mahal ko. Bakit ba ang sungit mo? Wala ka naman na sa stage ng paglilihi," sabi ko at dinala na sa sink ang pinagkainan.

"Buntis pa rin ako kaya wala kang pake kung magsungit ako, naiinis ako sayo," gigil na sabi niya at akmang kukurutin ako sa tagiliran. Mabuti na lang at nakaiwas ako, ang sakit niya kasing mangurot.

Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin dahil baka bugahan na ako ng apoy ni Loren, kahit bihis na akong ng aking uniporme. Hindi naman kasi talaga ako papasok...

"Ba-bye, baby Dustin. Kiss mo na si papa, papasok na ako sa work," sabi ko sa anak ko na busy sa pag-inom ng kanyang gatas.

"Bye, papa!" Kumaway sa akin ang anak ko pagkatapos akong halikan.

Tumingin ako kay Loren na nakasimangot sa akin. Kumaway na lang din ako sa kanya dahil ayoko siyang lapitan, nakakatakot!

"'Wag ka nang uuwi! Sinasabi ko sayo, Dickson!" rinig kong sigaw niya mula sa loob ng aming bahay.

Mahina akong tumatawa habang pinapaandar ang kotse. Imbis na dumiretso ako sa opisina sa munisipyo, niliko ko ang kotse sa bahay ng kanyang mga magulang kung saan mangyayari ang kanyang surprise birthday party.

Hindi ko alam kung kaninong idea ang pa-surprise na ito. Kung ako lang ay baka kanina ko pa siya nabati at naipasyal. Stress pa tuloy siya ngayon dahil akala niya ay walang nakaalala ng kanyang kaarawan.

"Kagabi pa kitang batiin, asawa ko. Kaso ayoko namang maging KJ sa paningin ng mga taong nagmamahal sayo," sabi ko sa larawan ng asawa ko na wallpaper ng aking cellphone.

Binulsa ko iyon bago bumaba ng sasakyan. Ayoko talaga ng mga ganitong pakulo, ang corny!

"What's up?!" bati ko sa mga kapatid niya na kahapon pa pinaluwas ng kanyang mommy.

Ang daming mga pink na lobo sa paligid. Nandito rin sila Caia, Katherine, Cyrus, at Harry. Napakamot ako sa batok ko dahil hindi ko alam kung anong maitutulong ko.

"Patapos na yata kayo. Ano pang pwedeng gawin? Wala akong alam sa mga ganito," sabi ko kay Caia na siya yatang nakaisip nito.

"Tulong ka na lang doon sa kusina, baka marunong kang magluto. Wala ka talagang silbi," sabi niya at inirapan pa ako.

Aba!

"Eh, dapat nga ay ikaw lang ang gumagawa dito dahil ikaw naman ang nakaisip. Nandamay ka pa!" sabi ko.

"Para sa asawa mo 'to, gunggong! Huwag ka ngang mag-inarte diyan, hindi naman ito para sayo. Kung ayaw mong tumulong, e 'di 'wag." Inirapan niya pa ako.

Nakita ko ang pagtawa ni Cyrus at Harry. Isa pa 'tong mga ito na under sa asawa. Hindi naman kasi mahalaga kay Loren ang mga ganitong party. Ang gusto niya lang ay mabati siya ng mga taong mahal niya sa buhay. Hindi mahalaga sa kanya kung walang handaan o mamahaling regalo. Dahil nga noon pa lang ay uhaw na siya sa atensyon at pagmamahal, iyon lang gusto niyang makuha, wala nang iba pa.

"Mommy, anong handa ni Loren?" tanong ko sa biyenan kong babae.

"Hindi naman mahilig sa mga party foods si Loren, maselan rin ang panlasa niya ngayon kaya simple lang ang mga hinahanda ko, yung mga karaniwan niya lang na kinakain. Kumusta pala siya kanina? Hindi ba galit?" tanong niya.

Exceeding The Lightlessness Of Present (EX Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon