Kabanata 6

981 37 3
                                    


Pinakamaganda

Napabangon ako at napasabunot sa sariling buhok ng hindi ako makatulog. Napatingin ako sa malawak na space ng kama na walang nakahiga. Nasa living room sya ngayon at doon yata sya matutulog. Nakakainis!

Nakakatulog naman ako ng mag-isa at walang katabi. Lagi akong natutulog ng walang katabi. Pero, anong nangyayari sa akin ngayon? Bakit hindi ako makatulog nang hindi sya katabi?!

Lumabas ako ng kwarto at dumangaw sa may hagdanan. Nakita ko syang seryosong nakatingin sa kanyang laptop habang puno ng mga blueprints ang kanyang lamesa. Ang malapad nyang likuran ang nakikita ko ngayon, wala syang damit pang-itaas at tanging boxer shorts lang tumatakip sa kanyang masculadong katawan. Nag-init ang buong mukha ko dahil kung ano-ano na naman ang iniisip ko. Hinawaan na niya ako ka ng kamanyakan niya at kung ano-ano na lang pumapasok sa isang ko.

Napaayos sya ng upo at napatigil sa ginagawa. Tumingin sya sa direksyon ko ng nakakunot ang noo. Nahigit ko ang hininga ko at napaiwas ng tingin sa kahihiyan. Inirapan nya ako at bumalik sa ginagawa. Ang sungit naman nito!

Bumababa ako at pumunta sa kanya. Hawak-hawak ko ang bracelet na binili ko. Tumayo ako sa tabi nya, hindi pa rin nya ako pinansin kaya hinarang ko ang kamay kong may hawak ng bracelet sa paningin nya.

Napatingin sya roon at pagkatapos sa akin. Nagtaas siya ng kilay na parang nagtatanong kung meron doon.

"Uhm, sorry?" nahihiyang sabi ko.

Sumandal sya sa sofa at lumantad sa akin ang nakaka-akit nyang abs. Bago pa ako ma-hypnotize no'n ay inangat ko na ang tingin ko sa mukha nyang nakangisi. Naiinis ako kapag ganyan ang mukha niya.

"Magso-sorry na nga lang, hindi pa sigurado," sabi nya at kinuha ang bracelet na nasa kamay ko. Tumikhim siya.

Nakatayo lang ako roon habang sya ay sinusuri ang bigay ko. Tumango-tango sya pagkatapos ay ngumiti. Tumingin sya sa akin at tinapik ang sofa, inuutusang tumabi ako sa kanya. Sinunod ko iyon at umupo sa kabilang dulo ng sofa, malayo sa kanya. Ngumuso sya.

"Loren, ayaw mo ba akong katabi? Ang layo mo naman," sabi nya at hinila ako papalapit sa kanya. Nakahubad siya, nakakailang.

Huminga ako nang malalim at pilit inaangat ang tingin sa kanyang mukha. "Dickson, I'm sorry. I'm sorry kung nasampal kita. Marami lang akong iniisip. Nabigla lang ako," mahina kong sabi.

Tumango sya. Nilahad sa akin ang braso upang ma-isuot ko sa kanya ang bracelet. Ngumiti ako at dahan-dahang sinuot sa kanya ang bracelet.

"Thank you? Thank you para saan?" tanong nya habang sinusuot ko sa kanya ang bracelet.

"Thank you para sa lahat ng mabuting ginawa mo sa akin. Thank you kasi inaalagaan mo ako, pinagpapasensyahan at iniintindi palagi. Thank you, Dickson," sabi ko at inangat ang tingin ko sa kanya. Ngumiti ako nang matamis sa kanya. Habang siya nakatitig lang sa akin.

Sinalubong nya ako ng mapupusok na halik na hindi ko matanggihan. Unti-unti nya akong inihiga sa sofa habang ang mga kamay ko naman ay nasa tiyan na nya, hinahaplos ang mainit nyang abs. Bakit parang pareho kaming nilalagnat?

"Mmm.." ungol ko nang bumaba ang mga halik nya sa leeg ko. Ang mga kamay nya ay nasa loob na ng suot kong pantulog, hinahaplos ang dibdib ko. He really likes my breasts. He likes sucking it and playing with my nipples. Nandoon kadalasan ang mga kiss mark na nilalagay niya.

Umungol sya at tinigil ang mga halik at haplos sa akin. Hinawakan nya ang kamay kong nasa garter na ng kanyang boxers. Hinalikan nya ang noo ko.

"Kahit gusto pa kitang angkinin buong gabi, pero tambak ang trabaho ko at kailangan kong matapos ngayon," sabi nya at inalalayan akong maka-upo.

Exceeding The Lightlessness Of Present (EX Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon