Kabanata 21

911 30 0
                                    


Psychologist

Inabot nya sa akin ang isang cone ng dirty ice cream. Tinanggap ko iyon, noong una ay tinititigan ko lang iyon pero nang mag-melt na ay hindi ko na rin natiis na kainin. I ate it until the last bite. It's delicious.

"I didn't know you like ice cream this much," sabi nya.

"Naglilihi ako," tipid kong sabi. Totoo naman, kahit ako ay nagugulat sa sarili ko. May mga bagay na ayaw ko rati pero ngayon ay gustong-gusto ko na. Kaya ang hirap sa aking magbuntis.

"Okay, nakakapanibago lang. Noong high school tayo hindi ka man kumakain ng dirty ice cream," sabi nya at pinunasan gamit ang tissue ang gilid ng bibig ko.

Lumayo ako sa kanya at tumikhim. "Paano mo nga pala nalaman na buntis ako? Sinabi ba sa iyo ni Deity?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "Sino naman si Deity? Walang nagsabi sa akin. I just read your body language. Kapit-bahay kita kaya kitang-kita kita kung paano mo hawakan ang tiyan mo," sabi nya at tumingin sa umbok ng tiyan ko.

Nagtaas ako ng kilay at hinarap siya. "Kapit-bahay?" tanong ko.

"Yes, remember noong pumunta ka sa bahay na binili mo? Ikaw pala ang nakabili no'n. Doon ako nakatira sa tabi ng bahay mo kaya, we're neighbors" sabi nya at ngumiti.

"At paano ka naman naging expert sa pagbabasa ng body language?" tanong ko sa kanya at pinasingkit ang mga mata.

"I'm a psychology graduate. I am really expert on that thing." Ngumisi siya.

Bumuntonghininga ako at malungkot na tumingin sa kanya. "Promise me na hindi mo ipagsasabi iyan."

Tumango sya at ngumiti. "Promise but I see fear in your eyes. Anong kinakatakot mo?"

Kinagat ko ang labi ko at lumayo sa kanya. I can't be with him, he can read me and I don't like that. Nabuhay akong lagi lang nakatago ang mahinang damdamin, and if someone can see through me, malalaman nilang hindi ako ang kilala nilang ako.

Lumapit sya sa akin. "I'm sorry kung masyado akong nanghihimasok sa iyo."

Hinarap ko sya. "What do you want from me? Anong rason mo at nandito ka?"

Huminga sya ng malalim. "Aaminin ko, I'm still curious about why you dumped me. And I want you back at kapag ayaw mo, I just want to be your friend and a godfather to your incoming child," sabi nya at ngumiti.

Tumawa ako, hindi makapaniwala sa mga sinabi nya. "You are so straightforward, aren't you, Mister?" sabi ko at umismid sa kanya. Want me back? Ngayong buntis pa talaga ako sa ibang lalake?

"'Yun ang natutunan ko sa mahabang panahon simula ng iwanan mo ako. Sabihin mo ang nilalaman ng puso mo sa isang tao kasi baka hindi mo na iyon masabi. Siguradong pagsisisihan mo iyon buong buhay mo. Eh, ikaw Loren? Ano naman ang na-realize mo?" Nagtaas siya ng kilay.

Lumapit sya ulit sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at hindi sumagot sa tanong nya.

"Are you still that Ms. Perfect? Always perfect?" tanong nya ulit.

Umirap ako. "I was raised to be like that. Hindi mo ako masisisi," sabi ko nang hindi pa rin sya tinitignan.

Tumango sya. "Now I know."

Tumingin ako sa kanya. "What?"

"Kung ano ang kinakatakot mo. Natatakot ka na kapag nalaman ng ibang tao lalong-lalo na ng mga magulang mo ang iyong pretty little secret ay tatalikuran ka na nila. Natatakot kang mahusgahan ka at maliitin ng ibang tao kasi sanay kang nasa tutok palagi. Because you are the perfect daughter, the perfect lady that everyone must look up to."

Exceeding The Lightlessness Of Present (EX Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon