Kabanata 10

866 32 1
                                    


Selos

Kumuha ako ng day-off para makapagpa-check-up sa isang OB-GYN. Nag-aalala na ako sa sarili ko, hindi pa dinadatnan pero wala naman akong nararamdaman except sa pagsusuka. May problema na yata ang matres ko kaka-sex. Ano bang mali?

Mali ba ang pagkakatira sa akin ni Dickson? Did he entered me wrong?

Pumasok ako sa clinic na inerekomenda sa akin ni Caia na ang doktor pala ay ang kapatid ni Dicskon. Pambihira naman! Nakakakabit na ba ako palagi sa kanya?

Gusto ko sanang umalis pero may appointment na ako dito. Tumuloy na lang ako, ano naman kung kapatid sya ni Dickson? Bakit naman ako mahihiya?

Nang masabi ko sa sekretarya nya ang pakay ko ay pinapunta nya kaagad ako kay Dr. Deity Fuertez na hinihintay na pala ako.

"Hello, magandang umaga-- Loren?! Ikaw ang pasyente ko?" Nanlaki pa ang mga mata niya.

Gulat na gulat sya. Ano bang problema nya? Bawal na ba akong magpadoktor?Inirapan ko sya at umupo sa upuang para sa mga pasyente. Pinagmasdan ko ang malinis nyang clinic. Talagang mukhang professional. Pwede na...

"Alam mo, ayoko talaga sa iyo. Kaya inis na inis ako kay Dickson noong sinabi nyang magpapakasal kayo. Sa danami-rami ng babaeng pwede nyang ayaing pakasalan, ikaw pa talaga! Like what the heck!" sabi nya at umupo sa kanyang swivel chair.

Huminga ako na g malalim at ngumiti sa kanya. "Alam mo rin bang nandito para magpatingin hindi para marinig ang kung gaano mo ako ka-ayaw? Be professional, Dr. Deity Fuertez. Babayaran ko ang serbisyo mo kaya gawin mo ang trabaho mo." Umirap ako.

Tumawa sya ng peke at tinignan ng masama. "Sige, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, Ms. Loren?"

"Gusto kong malaman kung anong nangyayari sa matres ko. Ilang linggo na akong hindi dinadatnan kaya baka may problema," matapat kong sabi.

Tumango sya. "Nagse-sex ba kayo ni Dickson?" tanong nya.

Uminit ang pisngi ko at nakagat ko ang ibabang labi ko. Tumango ako. Umupo ako ng tuwid. Ano naman kung nagtatalik kami? Mag-asawa naman kami.

"Gumagamit ba kayo ng protection like condoms and birth control pills?" tanong nya ulit.

Umiling ako.

Naningkit ang mga mata nya. "Baka buntis ka. Pagtatalik na walang proteksyon. Ano mga nararamdaman mo?"

"Nagsusuka ako nang madalas at minsan bigla na lang akong mahihilo," sagot ko sa kanya.

"See? Buntis ka nga," siguradong sabi nya.

Umiling ako. "Imposibleng buntis ako dahil nag-pregnancy test ako sa bahay at negative iyon. Tsaka hindi ako pwedeng mabuntis, kawawa lang baby kung sakali," malungkot na sabi ko.

Lumambot ang tingin nya sa akin. "Bakit naman?" tanong nya.

"Lininaw sa akin ng mga magulang nyo na ayaw nila sa akin dahil sa ginawa ng mga magulang ko. Siguraduhin ko raw na hindi ako mabubuntis dahil hindi nila ibibigay ang apelyido nyo sa magiging anak ko kay Dickson. At siguradong hindi rin iyon magugustuhan ng mga magulang ko. Si Dickson din ayaw nya dahil sinabi kong gusto ko ng kumpletong pamilya para sa magiging anak ko, ayaw kong matulad sya sa akin na lumaki sa lungkot," sabi ko at tumingin sa kanya. Nagkibit-balikat ako. "Ang kapatid mo ay may gusto sa isang babae at kapag natapos na usapan namin ni Dicskon siguradong magiging sila. Kaya hindi pwedeng buntis ako."

Yumuko sya at may kinuha sa isang cabinet. Tatlong pregnancy test stick at inilapag nya sa lamesa.

"Ilang beses kang nag-test?" tanong niya.

Exceeding The Lightlessness Of Present (EX Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon