Kabanata 15

901 33 0
                                    


Husband

I've decided to go to Zambales to see my other relatives. Ang sabi ng imbestigador ay may mga kapatid pa raw ako, ang pinagtataka ko lang ay bakit ako pinaampon? Kung ayaw magkaanak ng mga magulang ko ay bakit nagkaroon pa ako ng mga kapatid? Did they hate me? Ayaw din ba nila sa akin?

Kung edad daw ang pagbabasehan ay ako ang pinakamatanda sa kanila. I want to see them, I want to help them. I need to be there. Kung kamamatay lang ng mga magulang namin ay baka kailangan nila ng tulong-pinansyal. O kahit na anong tulong.

Pinagbuksan ako ng sasakyan ni Justin, ang private investigator na napabilib ako sa paghahanap ng mga nawawalang tao kahit kakaunting impormasyon ang naibigay ko at hindi pa ako sigurado sa iba. Sasamahan nya akong puntahan ang mga kapatid ko. Nakausap na raw nya ang mga ito at alam na hinahanap ko sila.

"Kinakabahan ako, hindi ko alam kung gusto pa nila akong makita. I was so late, I didn't have the chance to help them. Kung dumating lang ako ng mas maaga ay baka buhay pa ngayon ang mga magulang namin," sabi ko kay Justin kahit hindi naman kami close. Gusto ko lang maglabas ng nararamdaman.

Nilibot ko ang tingin ko sa kanyang dashboard at nakitang walang kahit ano roon maliban sa isang maliit na litrato ng isang babae.

Tinitigan ko iyon dahil mukhang pamilyar sya. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Justin.

"Si Deity! Bakit may picture ka nya?" tanong ko.

Bata pa ang itsura nya sa litrato at sa tingin ko ay matagal na ito. Anong meron sa kanila ng doktor ko? Meron ba silang something with each other?

"Kilala mo sya? Alam mo ba kung nasaan sya?" mataas ang boses na tanong nya.

"Bakit gusto mong malaman? May nagpapahanap ba sa kanya?" Nagtaas ako ng kilay. Baka isang kliyente niya ang may atraso si Deity.

Umiling sya. "I was looking for her, for myself. Matagal ko na syang hinahanap, matagal na nya akong pinagtataguan. She doesn't want to see me," malungkot nyang sabi.

"Bakit? Bakit mo sya hinahanap? Bakit ka nya pinagtataguan?" tanong ko.

Bumuntong-hininga sya. "I did something horrible to her, to the point that she doesn't want me to enter her life anymore. I just want to ask for forgiveness and if she still wants me to love her again."  Tumigas ang mukha nya at bumilis ang paghinga.

"Sorry, hindi na ako mangungulit. Kung ano man ang meron sa inyo Deity, I'm sure magkaka-ayos din kayo. Deity is a good person, she will forgive you," sabi ko kahit na hindi ko alam kung ano talagang nangyari sa kanila.

Umiling sya at tumawa ng peke. "Yes, she is a good person and I am a very bad person who doesn't deserve her. I left her without a word. I want to clear things, at magbabaka sakali na kung marinig niya ang paliwanag ko sa mga bagay ay mapatawad niya ako."

Tumahimik na ako dahil masyado ng personal ang mga sinasabi nya. Ang alam ko, ang isang private investigator ay hindi nag-she-share ng personal things sa kanyang client. Siguro ay nadala lang din sya ng kanyang emosyon.

Malayo ang byahe at nakakahapo. Kinapa ko ang puson ko at marahan na hinaplos iyon. Konting tiis na lang anak, makikita na na nating ang mga kapatid ni mommy.

Napatingin ako kay Justin na panay ang tingin sa rear view mirror. Anong tinitingnan niya?

"May problema ba?" tanong ko.

Nginitian nya ako. "Wala, medyo malapit na tayo. Nasa dulo ng baryong ito ang bahay nila" sabi nya.

Bigla naman akong kinabahan. Shit naman itong si Justin, pabigla-bigla. Hindi ko man lang naihanda ang damdamin ko. Huminto ang sasakyan sa isang maliit na bahay na may mababang gate. Buti naman at medyo maganda ang buhay nila, akala ko makokonsensya ako kapag nakita ko sila.

Exceeding The Lightlessness Of Present (EX Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon