Special Chapter

1K 37 3
                                    

"Hindi mo na pwedeng kargahin si Dustin nang matagal. Magpahinga ka," sabi ni Dickson at kinuha sa akin si Dustin.

Isang taon na si Dustin at limang buwan na akong buntis. Dickson became extra careful dahil sa nangyari sa aming panganay. Noong nalaman nga nyang buntis ulit ako ay pinagre-resign na nya ako sa trabaho na ayoko naman. I love this town as much as I love this family. Hindi ko sila pwedeng basta na lang iwan because they are the first one to believe in me.

"Kaya ko pa naman. Ikaw nga buong gabing gising. Masyado mo namang binonggahan ang handa natin sa Fiesta." Tumawa ako.

Binaba nya si Dustin at inalalayang lumakad. Ako naman ay umupo sa may upuan na katabi ko dahil sumasakit na naman ang balakang ko.

"You okay?" tanong ni Dickson at tinignan ako habang hawak pa rin ang anak namin na nakatingin na rin sa akin.

Tumango ako at ngumiti. "Can you walk over here, baby? Dustin, here," tawag ko sa anak namin.

Binitawan ito ni Dickson at binalanse ang sarili bago dahan-dahang naglakad papunta sa akin. Kaagad ko syang sinapo nang makalapit sya sa akin.

"Very good, my baby. You're good at it na," sabi ko at hinalikan ang kanyang pisngi. Humagikgik sya at hinawakan ang mukha ko.

"I love you," I murmured against his chubby cheek.

"Ab-you," sabi ng anak namin.

Napanganga ako. "Oh my God! Do you hear that, Dickson? He said I love you. I love you too, baby."

Lumapit sa amin Dickson at hinalikan rin ang anak namin. Kinarga nya ito.

"Hello! Where's the food?"

Napalingon kami sa nagsalita. Si Deity na kakarating lang.

"Pagkain talaga ang una mong hinanap?" tanonf ko at tumawa.

"Syempre, ano bang pinunta ko rito kung hindi ang pagkain at ang cute kong pamangkin," sagot nya at kinuha si Dustin kay Dickson.

Tumayo ako at nagpunta na ng kusina para ipahanda ang mga pagkain dahil magsisimula nang dumating ang mga bisita. Pinadala ko ito sa garden at pinaayos na rin ang mga upuan. Isang buwan pagkatapos naming ikasal ay lumipat na kami sa mas malaking bahay na binili naming dalawa. Ang mga bahay namin ay hindi na namin ginalaw dahil naisip namin na ibibigay na lang namin ito sa mga anak namin kapag lumaki na sila. Ganyang kami ka-advance mag-isip. Naninigurado lang dahil wala namang makapagsasabi kung ganito pa rin kami sa future.

Sunod na dumating sila mommy at daddy. Dinaluhan nila kaagad at tumulong sa ginagawa ko.

"Dapat ay hindi ka na kumikilos," sabi ni mommy at pina-upo ako.

"Ayos pa naman po ako. Kaya pa naman, 'tsaka bisita ko po kayo kaya dapat kayo ang naka-upo," sabi ko. Hindi naman nila kailangang mag-alala dahil hihinto naman ako kapag hindi ko na kaya.

Umiling si mommy. "Ako na ang bahala, rest, okay?"

Tumango na lang ako at nilibot na lang ang paningin sa buong paligid. Hindi ko naman sila mapipigilan sa kababawal sa akin. Nagsisimula nang dumami ang mga tao. Napagdesisyonan ng mga kaibigan namin na dito na lang sa bahay i-celebrate ang Fiesta. Kaya aasahan ko rito sila Harry at Caia kasama si Haria. Si Cyrus at Katherine kasama si Kayrus.

Inimbitahan ko rin si Justin at hindi ko alam kung pupunta sya. Ang mga kapatid ko naman ay bumyahe na raw papunta rito.

Tumingin ako kay Deity na malawak ang ngiti habang nilalaro si Dustin. Ano kaya ang magiging reaksyon kapag nagpunta si Justin dito? Naku! Lagot na, wala na siyang kawala. Sana lang ay hindi masira ang party sa pagkikita nila.

Exceeding The Lightlessness Of Present (EX Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon