Kabanata 14

883 37 0
                                    


So much

"B-Baka nakita nyang sinugod mo ako sa ospital kaya ganoon," sabi ko at nag-iwas ng tingin. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Siguradong alam ng pharmacist kung anong gamot ang mga binili ni Dickson.

"Baka nga," sabi nya at nagkibit-balikat.

Umayos na sya ng higa at hinila na rin ako para mayakap. Huminga ako nang malalim nang maniwala sya sa sinabi ko. Kung magtatanong pa siya ay baka masabi ko na ang totoo. Hindi ko naman ililihim sa kanya kung sana lang ay tanggap niya.

Nakatulog ako nang payapa dahil sa yakap nya. Gumising ako ng maaga dahil kailangan ko ng pumasok. Matatabunan na naman ako ng trabaho at ayoko ng ganoon. Ang hirap magbawas.

"Masasabunutan ako ni Deity kapag nalaman nyang pinagtrabaho na kita. Kailangan mo na ba talagang pumasok?" tanong ni Dickson at napakamot sa pisngi.

Hinarap ko sya. "Mayor ako, Dickson. Hindi pwedeng matagal akong mawala. 'Tsaka hindi naman mabigat ang trabahong gagawin ko. Magbabasa lang ng mga papeles, pipirma at uuwi na. That's it," sabi ko at nginitian sya.

"Okay, pero kapag inaway ako ni Deity, sasabihin ikaw ang nagpilit, ha?"

Nag-ok sign ako sa kanya. Ang laki-laking tao, takot na takot sa ate. Sabagay, siguro ay ganoon siya pinalaki. May mga alam kasi ako na porque babae ang panganay nila at sila ay lalake, hindi nila nirerespeto ang mga ate nila. Dickson is secretly a good person. Hindi mo malalaman ang kalooban niya kung hindi mo siya makakasama. Pagkarating namin sa munisipyo ay hinatid nya pa ako sa aking opisina.

"Mayor, ayos na po ang pakiramdam nyo?" tanong ng mga empleyado.

"Ayos na ako. Salamat sa pag-aalala," sabi ko at nginitian sila.

Nang masigurado ni Dickson na maayos na ako sa opisina, nakapagbilin na rin, at natawagan si Deity na ako ang nagpumilit na magtrabaho ay umalis na sya. Tambak ang papeles sa aking lamesa at hindi ko alam ang uunahin ko. Sinimulan ko sa pinakaunang dumating dito na puro project proposals ng mga SK Chairman na inaprubahan ko na.

Medyo nanibago pa ako sa aking pirma dahil Fuertez na ang gamit kong apelyido. Ilang beses kong inensayo ang pagpirma dahil baka magkamali ako at maiba. Pinagmasdan ko ang pirma ni Dicskon na nasa ibabaw ng pirma ko. Unang kita ko pa lang ay professional na ang dating. Bakit ang ganda niyang pumirma? Iyong sa akin parang hinalukay ng manok.

Bumukas ang pinto at pumasok si Dickson na may mga dalang gamit sa trabaho.

Kumunot ang noo. "Anong ginagawa mo rito? Bakit ang dami mong dala?" tanong ko at tumayo.

Nilapag nya ang kanyang mga dala sa bakanteng lamesa at kumuha ng upuan. "Dito ako magta-trabaho para mababantayan pa rin kita," sabi nya at sinimulan na nyang buklatin ang papeles niya na.

Kinilig ako, promise. Sweet gestures that made me feel that I am special will always  touch my heart.

Ngumiti ako sa sarili ko. Kapag hindi nya tinigil 'yan, siguradong magkaka-problema ako. Baka hindi na ako pumayag na pirmahan ang annulment para sa akin na lang siya.

Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko hanggang sa maabot ko ang kakaibang dokumento. Galing iyon sa imbestigador. Meron na siyang nalaman. Parang ang bilis naman yata.

Mabilis kong binuklat iyon. Mabilis din ang pagbasa ko sa mga nakasulat pero isa lang naintindihan ko.

He found them.

Napatayo ako sa sobrang pagka-excite. Napatingin naman si Dicskon.

"May problema ba?" tanong nya.

Exceeding The Lightlessness Of Present (EX Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon