Kabanata 7

925 38 2
                                    

Warning! SPG Ahead!

Forever

"Loren, ayan ka na naman."

Napatingin ako kay Dickson ng marinig syang mag-salita. Pauwi na kami at hindi ko pa rin magawang ngumiti. I hate this feeling. Akala ko kanina ay magiging maganda ang buong araw ko tapos... Bakit pa kasi niya sinabi sa akin iyon?

"Huh?" Bumaling ako sa kanya.

Nakatingin lang sya sa kalsada pero naka-kunot ang noo. "Iba ang mood mo ngayon. Baka mamaya sampalin mo na naman ako bigla," biro nya.

Hindi ako nagsalita at tumingin na lang sa bintana ng kanyang sasakyan.

"Hindi ka ba masaya na nalaman na ng buong bayan na mag-asawa na tayo? Hindi ka ba komportable?"  tanong niya at sinulyapan ako.

Umiling ako. Hindi naman iyon. Masaya pa nga ako kanina hanggang sinabi mo sa akin ang tungkol sa babaeng gusto mo! Ang unfair kasi dapat ako lang dahil ako ang asawa mo!

Teka?!

Bakit parang nagseselos ako? Nagseselos ako?! Hindi! Bakit naman ako magseselos?! Hindi ako nagseselos! Hindi! Wala namang kaselos-selos doon. Wala rin naman akong gusto kay Dickson! Wala! We just have this fake marriage and sex! Sex lang ang namamagitan sa aming dalawa!

Hindi ko namalayan na nasampal ko na nang malakas ang sarili ko. Napatulala na lang ako nang manuot na ang sakit sa pisngi ko. What did I do that?

"Loren! What are you doing?!" sigaw ni Dickson at itinabi ang sasakyan.

Inalis nya ang kanyang seatbelt at lumapit sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Are you okay? Please, look at me," sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

"I'm okay. Masama lang ang pakiramdam ko," sabi ko nang hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"You said, you unconsciously hurting yourself when you are mad or upset. What makes you mad or upset right now? Please, tell me." Hinaplos niya ang mahapdi kong pisngi.

Tumingin ako sa kanya nang may luha sa mga mata.

"Loren?" Tiningnan niya ako sa mga mata.

Hindi ako nagsalita. Niyakap ko sya nang mahigpit, 'yung tipong ayoko na syang pakawalan. Dahil natatakot akong iiwan nya ako bigla at masasaktan na naman ako nang sobra-sobra.

Hindi ko alam kung bakit ako nagseselos. Pero nagseselos nga ako. Ayokong may gusto syang ibang babae. Gusto ko ako lang. Ayokong titingin siya sa iba dahil pwede siyang mawala anumang oras. Hindi ko pa kaya. Hindi ngayong nasasanay na ako.

"Loren?" tawag niya.

Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ko ang sarili kong luha.

Ngumiti ako sa kanya. "I wanna go home. Please?"

Tumango sya at bumalik na sa kanyang upuan. Bumalik na rin sya sa pagmamaneho pero patingin-tingin pa rin sa akin. Hindi ko ulit siya kinibot at mabuti na lang din ay hindi na siya nagsalita.

Pagkarating namin sa bahay, kaagad akong nagtungo sa kwarto at naligo sa banyo. I need to freshen up. Isang oras yata akong nasa banyo bago napagdesisyonang magbihis at bumaba sa may living room.  Nakita ko si Dickson at tinitignan ang pictures ng isang magandang beach resort. Tumingin sya sa akin at ngumiti. Inaya nya akong tumabi sa kanya.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nya.

"Yeah, what's that?" sabi ko at tinuro ang hawak nya.

Exceeding The Lightlessness Of Present (EX Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon