Kabanata 27

1K 31 0
                                    


Decision

Nagising ako dahil sa mga boses na sa paligid ko. Dumilat ako at nakita ang sarili sa hindi pamilyar na lugar. Masyadong maliwanag ang paligid kaya hindi ko kaagad naaninag ang mga nasa paligid ko.

"Loren, thank goodness you're awake."

Napalingon ako sa nagsalita at nakitang si Dickson iyon. Ngumiti ako, I'm glad he stayed. He stayed for me.

Itinaas ko ang kamay kong may swero at hinawakan ang mukha nya. "You're here," mahina kong sabi.

"Yes, I am staying. So, please be okay. I'm calling Deity," sabi nya at hinalikan muna ang noo ko bago umalis.

Hinawakan ko ang tiyan ko at siniguradong nandito pa ang anak ko.

Baby, I'm sorry. Mommy is always messing up. Palagi ka na lang nadadamay sa mga sama ng loob ko.

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Deity kasama si Dickson. Lumapit sa akin si Deity at ch-in-eck ang vital signs ko.

"Are you okay? Wala ka bang nararamdamang sakit?" tanong niya.

Umiling ako. "I'm okay."

Tumango sya at humarap kay Dickson. "She's good. Don't worry. Take care of her. Sinabi ko na, Dickson. Paulit-ulit na ako. Galingan mo naman. Kukurutin ko talaga singit mo minsang isugod mo pa siya rito sa ospital na hindi panganganak ang dahilan," sabi ni Deity at iniwan na kami.

Umupo si Dickson sa tabi ko at hinwakan ang kamay ko. Hinalikan nya iyon at nilagay sa pisngi saka tinitigan ako. "I'm glad you're okay, I'm so worried. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kanina nang mawalan ka ng malay. Tell me what you want and I will give it to you, that all I can do for now, at least."

Hinigpitan ko ang hawak nya sa akin. "Please stay. Don't leave. I need you, our baby needs you. I love you. That's all I need, wala akong ibang gusto kung hindi ang buong pamilya," nagmamakaawang sabi ko.

Tumango sya at hinalikan ako.  "I will stay, promise. I will never leave you again."

That was the best words I ever heard. They were reassuring. I love to hear it all over again. And they are true. He stays at my house the whole time. He takes care of me everyday. Walang-mintis sa bawat araw na nagdaan. It's enough.

"Tapos ka ng kumain?" tanong nya at inilapit sa akin ang gatas na tinimpla nya.

"Yes, thank you." I smiled then took the glass of milk.

Niligpit nya ang pinagkainan ko at ininom ko naman ang gatas.

"Dickson?" tawag ko sa kanya.

Nilingon nya ako. "Yes? Need something?"

"Anong na nang nangyari kay Meg? Are you still in a relationship?" tanong ko.

Napahinto sya sa kanyang ginagawa at itunuon sa akin ang atensyon. Umiling siya. "She's fine, I guess. Sa totoo lang naawa ako sa kanya. I broke up with her when I found out that you are pregnant," malungkot na sabi nya.

"What happened to her? Sinong nakabuntis sa kanya?" Iyon talaga ang matagal ko ng gustong itanong. Para naman akong chismosa. Pero nakaka-intriga kasi talaga.

"Hindi nya sinabi sa akin. Actually, she tried to fool me. Gusto nyang palabasin na ako ang ama ng anak nya. That's why she welcomed and entertained me. Nagalit ako ng malaman 'yun. But my anger suddenly turned into sympathy, she was raped by her ex-boyfriend." Bumuntonghininga siya.

Nagulat ako. Oh my God! "That's horrible, I thought that was your child. I didn't know. Nagalit pa ako pero ngayong nalaman ko ito parang gusto kong humingi ng tawad sa kanya."

Exceeding The Lightlessness Of Present (EX Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon