CHAPTER 43

3.6K 44 5
                                    

SHANELLE POV

GAYA nga ng sabi ni Ice nagsidatingan na ang mga mag aayos sakin bandang alas tres ng hapon.

Kung ano anong kolorete ang nilagay sa mukha ko,minsan pa nababahing ako tuwing lalagyan ng blush on ang pisnge ko.

Matagal tagal nila akong inayusan alas singko na ng hapon nila natapos.

"Yan te ang ganda mo na!Sure na tutulo laway ng jowa mo sa feslak mo"-maarteng saad ng bakla.

"Harap ka sa salamin te!"-saad pa nong isang bakla.

Agad ko namang sinunod ang saad nya at humarap sa salamin.Napanganga naman ako nong makita ko ang kabuuan ng mukha ko.At isa lang ang masasabi ko,

"Ang ganda ko"-wala sa sariling saad ko

"Taray,ano yan nagpapanggap na di alam na maganda? Maganda ka teh kahit walang make up."-saad ni bakla

"Partida wala pang gown yan.Pano kaya pag meron na!"-saad ni Bakla.

"Hala sige na magbihis kana ng gown at magsisimula na ang party mayamaya!"-saad ng isa pang bakla at iniabot sakin ang royal blue gown.

Napangiwi nalang ako dahil sa sobrang hapit ng gown sakin nong sinuot ko na.Huminga ako ng malalim bago ako lumabas sa banyo.

Pagkalabas ko ay halos tumulo na ang laway ng mga baklang nag ayos sakin.

"Its time to change!"-saad ng isang bakla at nagtinginan sila

"COME TO PAPA!"-saad nila habang pinalaki ang boses,natawa nalang ako dahil sa kalokohan nila

"Taray!!Cinderella in real life"-saad nya sabay turo sakin.

"Youre highness"-saad nila at sabay sabay na nag bow.

"Hahaha thank you"pasalamat ko sa kanila

ICE MATTHEW POV

GABI na at anytime magsisimula na ang party,at sa totoo lang kinakabahan ako.Tingin ko may mangyayaring di maganda ngayong araw na ito.

O sadyang praning lang ako.!!!

"Nakarating na si Bianca!"-saad ni mommy sakin.

"Kasama ba nya si Ella?"-tanong ko

"Iniwan nya sa France.Magtitake din kasi sya ng exit exam"-saad ni mom

"Thats good to hear mom"-saad ko

"May bumabagabag ba sayo Anak?"-tanong ni mom

Oo meron.Hanggang ngayon di parin maalis sa isip ko ang nakita ko sa Resturant kahapon.Pagnagkataong papipiliin nila ako di ko alam kung sinong pipiliin ko.

"Mom!Nagmahal kana ba ng dalawa noon?"-wala sa sariling saad ko

"Hmmm.let me tell you this story to you son.Si tito Miguel mo ang boyfriend ko noon,at masasabi kong mahal ko sya.Ngunit sa di inaasahang pagkakataon kinailangan nyang mag aral sa ibang bansa.Ldr ang sitwasyon namin.Gayun paman ay di nya ako pinabayaan,pinabantayan nya ako ni Mateo"-nakangiting saad nya

"Si daddy po?"-tanong ko

Di ko alam na may ganong past pala sina mommy,daddy at tito miguel na daddy ni David.

"Oo.Nong una ayaw ko sa presensya ng daddy mo dahil bukod sa sobrang tahimik ito nuknukan din ang sungit.Pero yun siguro ang dahilan kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya.Alam kong mali pero di ko na maituwid ang maling yum dahil hulog na hulog na ang loob ko sa daddy mo at ganun rin sya sakin.Nilihim namin ang relasyon namin kay Miguel pero gaya nga ng sabi nila walang sikretong hindi nabubulgar,nalaman din ng tito Miguel mo ang relasyon namin at halos isumpa na niya noon si Mateo,dahil nagawa daw syang ahasin ng pinagkakatiwalaan nyang kaibigan.Dumating ang araw na pinapili nila ako at dahil masyado akong napressure mas pinili ko si Miguel at iniwan ang daddy mo.Pero mali pala ang naging desisyon kung iyon,sumama ako kay Miguel di dahil mahal ko sya kundi dahil nagiguilty ako sa pagtataksil ko sa kanya.Guiltiness at hindi pagmamahal ang nararamdaman ko sa kanya.Mas lalo akong nagsisi nong nakita kong may kasamang iba ang daddy mo at dun ko lang talaga na realize na sya talaga ang mahal ko.At dahil mukhang nahalata narin ni Miguel na hindi na sya ang mahal ko,pinalaya nya ako at ibinalik kay Mateo.Dahil mas sasaya daw sya kung sasaya ako,di man daw sa piling nya basta masaya ako masaya narin sya"-nakangiting kwento ni mommy.

BED WARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon