chapter 60

3.2K 35 0
                                    

Minsan di ko alam kong ano ba talaga ang kahinatnan ng lahat ng ito??? Ang paghihiganto sakin ni Dad ay hindi makatarungan. Feeling ko niloko ako ng buong mundo at masakit yun kung tutuusin.




*Flashback*





kinabukasan ay naghanda na ako para bisitahin at comprontahin narin si Troy. Pagod na akong paglaruan ng mga taong akala koy kakampi ko.





*Ospital*



Pagdating ko sa ospital ay madali kung tinahak ang daan papunta sa kwarto ni Troy. At nong nasa harapan na ako ng kwarto nya ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok.





Nanlaki ang Mata ni Ana nong makita nya ako at madaling napalingon kay Troy. Si Troy naman ay bakas din ang pagkabigla.





"S-shanelle!"-utal na saad ni Troy.





"Pasok ka Shanelle!"-aya sakin ni Anna.





Tumango lang ako at tuluyang pumasok. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang sanggol na hawak hawak ni Troy. Walang emosyong nilingon ko si Ana





"Iwan mo muna kami. May pag uusapan kami"-malamig pa sa yelong saad ko.





Mag poprotesta pa sana sya ngunit nakita nya kung gaano kalamig ang treatment ko sa kanila kaya wala syang nagawa kundi ang kunin ang sanggol kay Troy at lumabas.





Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong silid. Walang nangahas magsalita. Pinakikiramdaman namin ang isat isa.





Panay ang iwas nya ng tingin sa twing papasadahan ko sya ng tingin.





GALIT



Yan ang nararamdaman ko ngayon.




"B-buti d-dumalaw ka"-utal na saad nya




"Bakit ayaw mo?"-sarlastikang saad ko at napamaang naman sya.





"S-syempre gusto ko!"-utal paring saad nya





"Bakit parang salungat sa reaksyon mo ang sagot mo?? Bakit ayaw mo bang makita ang ina ng mga anak mo?"- sarkastiko paring saad ko na ikinalaki ng mata nya.




Tsh




Ganito pala sya kahalata. Pero bakit di ko nahalata ito noon. Oo nakikita ko ang pagmamahal nya sa anak ko pero may kulang. At di ko mabatid kung ano yun noon.





"K-kumusta nga pala sila Saffe at Samme?"- saad nya






"Na kay Jiessel muna kasama ang kapatid ko!"- saad ko at nakita ko kung paano sya natigilan nong banggitin ko ang salitang KAPATID.






"K-kapatid"- utal paring saad nya






"Oh bakit parang nagulat ka??? Di na yun ka gulat gulat Troy. Dapat nong napulot nyo ako ni mama at papa ay dapat naisip nyo na posibleng may kapatid ako!"- mahinahong saad ko pero ang totoo gusto kong manapak ngayon mismo.





Gusto ko syang saktan pero wala akong magawa. Sinaktan nila ako pero di ibig sabihin non ay sasaktan ko narin sila.





"A-ano bang s-sinasabi mo"- utal na saad nya at nahihimigan ko ang kabang bumabalot sa kanya






"Wala ka bang alam?"-senserong saad ko





"W-wala"-utal na saad nya.





Pagak akong napatawa at nilagay ang dalawang kamay ko sa bewang ko at pailing iling na tumawa at nananaliksik ang mata kong bumaling sa kanya.





"Wala nga ba?"-balik na saad ko



"W-wala ah!"-pagmamaang maangan nya




"Pwede ba umamin ka nalang para di na lumaki ang kasinungingan mo!!!"- saad ko


"A-ano bang sinasabi mo?"-kabadong saad nya


"Anong sinasabi ko? Hindi mo ba talaga alam??? Pwess ipaalala ko sayo." Huminga ako ng malalim at muling tumingi sa kanya. "Ako lang naman si Angela Tan na nahulog sa bangin five years ago at napulot nyo at pinaniwala nyo sa KASINUNGALINGAN NYO"-galit na saad ko at kita ko kung paano sya natuod sa kinauupuan nya



Nagsitulo ang mga luha ko.



"Pwedeng pwede nyong sabihin sakin o ipaalala sakin ang lahat  *sobs* kasehodang SUMAKIT PA ANG ULO MAS MAGANDA YUN KESA SA LOKOHIN AKO. Pero mas pinili nyong ilihim sakin ang lahat. SELFISH KAYO"-iyak na saad ko.


"Shanelle!"- tawag nya sakin


"Im not SHANELLE IM ANGEL"-sigaw ko sa kanya.



"Im sorry"-iyak na saad nya



"Sabihin mo sakin ang nangyari"-mahinahong saad ko at pilit na pinipigilan ang luha na gustong kumawala sa mata ko.


"Kasintahan ko si Shanelle nun kaso namatay sya. Kaya naman nong nakita ka namin sa bangin ay pinulot ka namin ng walang pag aalinlangan."-Saad nya at yumuko

"Dinala ka namin sa ospital dahil medyo malubha ang pagkabagok ng iyong ulo sa bato bukod sa tama ng bala ng baril na tinamo mo sa balikat mo. Ilang araw ka rin walang malay nun. Dalawang araw makalipas mula nong makita ka namin ay bumalik ako kung saan ka namin nakita. At may nakita akong armadong lalaki dun at batid kong ikaw ang hanap nila. Hindi yun alam ng mama at papa mo. Nilihim ko iyon at sinimulan ang kasinungalingan"- nakayukong saad nya.




Natutop ko ang sarili kong bibig at pinipigilan ng hagulhol ko. Nagsibagsakang muli ang mga luha ko.




"Im sorry Shanelle!!"-sinserong saad nya



"IM ANGEL!!!!"-iyak na sigaw ko.



"Im sorry!"- saad nya



"Masarap ba???? Masarap ba ang feeling habang NILOLOKO NYO AKO???? GANO KA SARAP??? Pa try naman minsan para malaman ko ang feeling na MANARANTADO at magpapaniwala ng Tao!!!"- galit na saad ko


"Oo kapakanan ko lang ang iniisip nyo pero sana naisip nyo rin ang kapakanan ng mga anak ko. Pati sila iminulat nyo sa kasinungalingan eh. Oo naiintindihan ko na iniisip nyo lang ang kaligtasan ko pero deserve ko rin naman malaman ang totoo!"- iyak na saad ko


"Im sorry!"- tanging saad nya.

Nanghihina akong napaupo sa single sofa at dun umiyak ng umiyak. Inisip ko kung gaano kabigat ang kasalanan ko sa past life ko at nangyayari ito ngayon sakin.


Ilang sandali kami na nasa ganung sitwasyon ng bigkang pumasok si Ana.


"Kailangan na rawng magpahinga ni Troy, Shanelle. Salamat sa pagbisita."-Saad ni Ana.

Pinahiran ko ang luha sa aking pisnge at huminga muna ng malalim bago tumayo.


"Bumalik ka ha.!"-saad nya habang hawak hawak ang aking braso



"Hindi. Hindi na kailan man. Wala ng rason para bumalik."-saad ko at hinila ang braso ko at tumingin kay Troy



"Nagpapasalamat ako kahit papaano dahil nandyan ka sa panahong kailangan ko ng tulong kahit puro kasinungalingan ang itinanim mo sa isip ko. Salamat sa pagmamahal sa mga anak ko kahit hindi mo naman sila nanggaling sa iyo. Salamat parin"- walang emosyong saad ko at nilisan ang kwarto.

Kahit mabigat ang loob ko ay sinikap kong umuwi at naghanda upang harapin si Matthew.

Ang lalaking tunay na minamahal ko.


Ang ama ng mga anak ko.



*Flashback ends*


Pero di ko lubos akalain na mangyayari ito. Kung kelan bumalik na ang ala ala ko tsaka pa nag kanda letche letche ang lahat.


BED WARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon