chapter 64

3.7K 45 6
                                    

Angel Point of view

PAYAPA at masaya kami sa isang linggo na magkasama kami ni Matthew at ang mga anak namin. Bumawi kami sa mga panahong nasayang.

Pero matapos ang isang linggong yun ay bumalik na kami sa manila upang harapin ang problema ni Matthew sa mga nagtangka sa buhay nya.

Nandito kami ngayon sa basement ng bahay ni Bianca. Kung saan nakakulong si Angelie.

"Nagsalita na ba sya?"-tanong ni Matthew sa nakabantay sa kanya


"Matigas bosing!!ayae umamin!"-saad ng bantay nya.

Mahinahong lumapit si Matthew sa kulungan at pinagkatitigan si Angelie na masama ang tingin sa kanya

"Sabihin mo. Bakit gusto mo akong patayin??? May atraso ba ako sayo?"mahinahong tanong ni Matthew


"Sa dami ng taong nakapaligid sayo wala ka man lang ka ideya ideya kung sino ang nagawan mo ng atraso?"-sarkaskitong saad ni Angelie.


"Kaya nga tinatanong kita diba?"-balik na sarkastikong saad ni Matthew


"May magbabago ba kung sasabihin ko?"saad ni Angelie at yumuko

"Base sa kung papaano ka magsalita parang napilitan ka lang gawin ang bagay na ito. Tama ba ako?"-usisa ni Matthew di sya sinagot ni Angelie at nanatiling tahimik


"kung ganun sabihin mo na baka matulungan ka namin.!"-sabat ko


"Kuya Ice, Angel!"-tawag samin ni Bianca nakakapasok lang sa basement hawak hawak ang cellphone na nag riring.

"May tumatawag kay Angelie!"saad ni Bianca.


"Sagutin mo Angelie!"-inilapit ito ni Matthew at pinindot ang answer call.


"Hello Angel!"- saad ng babae sa kabilang linya.

"Y-yes Alex!"-saad ni Angelie


"Ano na hindi mo pa napapatay si Mr. Adamson?? Eh kung tuluyan ko itong papa mo!"-saad ng babae

"Please not my papa. I-im begging you please!"-pakiusap ni Angelie habang nagsisimulang tumulo ang luha nya.


"I'll give you three days. Pag di ko pa nabalitaang nalagutan na ng hininga yang si Mr. Adamson ang papa mo ang malalagutan ng hininga"-saad nito at binabaan na sya ng telepono.


"Papa"-hagulhol na saad ni Angelie

Di ko na napigilan ang sarili ko. May kung ano saakin ang gustong yakapin sya kaya ginawa ko pumasok ako sa kulungan at niyakap sya.


"It's okay. Magiging maayos din sila"-saad ko

"Angel!"-suway sakin ni Matthew pero pinigilan ko sya.


"Let me!"-saad ko at muling pinatahan si Angelie


"How??? What should I do now?"-umiiyak na saad nya "pag di ko papatayin si Ice si Papa ang mamamatay! Ayaw kong patayin si Ice. Ayaw kong patayin ang taong naging mabuti sakin!"-umiiyak na dagdag nya.


"Listen Angelie. Makipag cooperate ka sa amin. Sabihin mo lang lahat ng nalalaman mo at tutulungan ka naming mabawi ang papa mo!"-saad ko.

Nag angat sya ng tingin at nagsimulang mag kwento.


"So all this time kaya nila ako gustong patayin dahil sa pagbulgar ko sa mga pulis na sangkot ang kompanya nila sa illegal drugs? "-Sabad ni Matthew


BED WARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon