Kabanata 29

4.6K 53 1
                                    

SHANELLE POV

Hey guys! My name is Shanelle Bautista from Bulacan hihihi joke lang O.A namang introduction yun.

So nandito ako ngayon sa Agency kung  para makapag apply ng trabaho. Need ko talaga eh. Kahit anong trabaho basta makatulong lang sa pang araw araw na pangangailangan ng pamilya ko ay solve na solve na ako.

"Ate san po yung mag interview para sa katulong po?"-magalang na tanong ko dun sa babae. Mukhang dito sya nagtatrabaho base sa suot nya.

"May resume kabang dala?"-Mataray na tanong nya. Tsk akala mo naman kagandahan.

"Opo!"-Magalang paring saad ko.

"Pila ka nalang dun!"sabi nya at itinuro ang pila. "Nagsisimula na ang interview para sa kukuning katulong ni Mr.Brillantes"-umiirap na saad nya. Sarap pakidlatan para ganyan na mata nya forever.

Kaya naman ako si dakilang desperada pumila narin ako. Sana matanggap ako. Halos isa't kalahating oras akong naghintay at sa wakas ako na ang susunod. Yieee kaya mo to Shanelle para sa Ekonomiya. Hahaha baliw na ako. Ganito talaga ata ang epekto ng kahirapan.

Pagkalabas ng isa pang applicante ay sumunod na akong pumasok. Eh ang kaso may humarang sakin.

 
"Mag aaply ho ako!"-saad ko at pilit na pumasok.

"Cut off muna. Mag lalunch pa si mr. Brillantes"-saad ng isang staff na nakaharang sakin.

WTF!

Bat' ngayon pa? Kung kailan ako na ang susunod? Tsk naman ohhhh. Tsk tsk tsk malas malas.

"Sir sige na po! Kanina pa po ako nakapila rito eh!"pagmamakaawa ko. Isip isip Shanelle ng dahilan. "Please po I need this job po may sakit po ang nanay ko, ang tatay ko, ang tito ko, ang tita ko, ang lolo ko, ang lola ko,vang kapitbahay ko, ang buong baranggay po namin may sakit"-pakiusap ko with matching luhod pa.

 Damn! Gusto kong matawa sa dahilan ko. Taena naman Shanelle, sa dami ng pwedeng dahilan dinamay mo pa ang baranggay.

"Ako ba'y pinagloloko mo miss??"-Iritadong tanong ng staff.

"Let her in!"-saad ng isang naka corporate suite sa loob ng silid. Mukhang sya yung Mr. Brillantes na sinasabi nila.

Agad namamg nilakihan ng staff ang pinto para makapasok ako. Ngiting tagumpay hihi.

"Take your sit!"-malamig na utos nya kaya agad naman akong umupo gaya ng gusto nya.

"Thank you po!"-pasasalamat ko at nagbow ng bahagya.

Yes! Na fe-feel  ko na ang tagumpay.

"Now give me a valid reason kung bakit ikaw ang dapat kunin!"

"Eh?"

"Ano ang kaya mong gawin?"-diretsong tanong nya.

Gosh! Di ko alam na nakaka kaba pala ang ganito. Di bale sasambunutan ko nalang si Jiesel pag uwi ko, gaga sya. Hindi man lang ako winarningan.
 
 
"Katunayan po wala akong kayang gawin!"-nakayukong pagtatapat ko. Naglalaba ako at naglilinis pero palagi yung palpak. Pag nagsaing naman nasusunog yung kanin, sayang ang bigas.

Lakas ng loob mag apply ng katulong di naman marunong sa mga gawaing bahay. Hayss.

"WHAT? Eh ba't ka pa nag apply kung wala ka naman palang kayang gawin?Ipaalala ko lang miss katulong ang pag inaaplyan mo!"-ititadong saad nya.

Napayuko nalang ako sa sobrang kahihiyan. Di ba pwede yun?

 
"Pero matututo rin naman ako sir!"pangungumbinsi ko, nagbabakasakaling makalusot.

BED WARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon