CHAPTER 47

3.5K 38 8
                                    

SHANELLE POV

MAKALIPAS ang isang linggong pananatili ko sa probinsya ay bumalik na agad ako sa Manila para sa trabaho ko.

Sa isang linggong yun ay di na ako masyadong nalungko.Thanks to my daughters and of course to Steven.

Naging close kaming dalawa at mas naging malapit sya sa mga anak ko.Sabi nya gusto nyang makipagkaibigan,at sino ba naman ako para tanggihan sya,sa dami ng nagawa nya sakin,then why not.

Steven is a good guy!Maswerte ang babaeng maging asawa nya dahil nasa kanya na ang lahat.

GWAPO

MAYAMAN

GENTLEMAN

FUNNY

YUMMY

WTF

Ok wag nyo nalang pansinin ang sinabi ko.

Umuwi din sya agad kahapon dahil may aasikasuhin daw syang business trip sa ibang bansa.Bago sya umalis ay iginala nya muna kami ng mga bata.


Tuwang tuwa sa kanya ang mga bata at halos ayaw na nitong umalis sya.Umiyak pa nga si Samme nong paalis na ito.But nag promise si Steven na babalik daw ito at may dalang maraming pasalubong kaya napapayag nya ito.

Anyway pagkarating ko sa Condo ay bumalik uli ang lungkot ko.Naalala ko na naman si Ice at ang napag usapan namin.

"Stop thinking about him Shanelle!! Hes happy with Angel.Stop this nonsense"-saad ko at umiling.

Pinilit kong ituon ang buong atensyon ko sa paglilinis at iniwasang maalala ang tungkol sa amin ni Ice.

Habang nagkukuskos ako ng lababobay biglang nag vibrate ang cp ko sa bulsa ko.Kinuha ko ito at nakitang nag text si Steven

*From steven*

Hey!!How are you??
Nasa Manila ka na ba??
I miss your daughters!

10:37 Am

How sweet!!I miss my daughters too.Kung pwede lang sanang isama rito para makasama ko sila araw araw ginawa ko na

*To steven*

Sila lang?
Ako di mo na miss?
Nakakatampo ka naman!

*message sent*

Dont mind us guys!!Nagbibiruan lang kaming dalawa.Sa iilang araw na kamiy mag kaibigan ay madaling napalagay ang loob namin sa isat isa.Magaan ang loob ko sa kanya.

*From Steven*

Of course!I miss you!!
To the point na parang mabaliw na ako sa pagkamiss sayo

10:40 Am

Tsk yan ang gusto ko kay Steven sinasakyan nya lahat ng biro ko.

Mag rereply na sana ako ng biglang may nag doorbell.Ibinulsa ko ang cellphone ko at nag tungo sa pinto.

Pagbukas ko ay bumungad sakin ang magkahawak kamay na si Angel at Ice.

"S-sir Ice!"-wala sa sariling saad ko tumikhim muna ako at muling nagsalita

"Pasok na ho kayo.Ipagtitimpla ko kayo ng maiinom"-saad ko at tumango naman sya kaya madali akong nagtungo sa kitchen upang ipagtimpla sila ng juice.

Paglatapos kong magtimpla ay sinalinan ko ng juice ang baso at inilagay ito sa tray.

Pilit akong ngumiti habang dala dala ang tray na may lamang juice.Hanggang sa narating ko ang sala at halos mabitawan ko ang tray na hawak ko dahil sa nakita ko.

BED WARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon