Kabanata 28

4.8K 51 0
                                    

ICE MATTHEW POV

PAGKARATING ko sa airport ay agad kong hinanap sila Bianca at di nagtagal nakita ko sila sa di kalayuan. Nakita kong tumakbo palapit sakin si Shella at niyakap ako.

"Kuya na miss kita! ba't di mo na ako dinalaw?"-nakangusong  aniya. Agad ko namang piningot ang ilong nya. Ang kyut ng batang to.

Dalaga na pero kung umasta parang bata.

"Sorry po, bussy lang si Kuya"-nilambingan ko pa ang boses ko para di magtampo pa.

"Ella mauna kana sa labas kakausapin ko lang si kuya"-seryosong saad ni Binca.

"Opo ate!"-saad ni Shella at tumakbo palabas ng airport. Napailing nalang ako sa pagiging energetic nya.

 
"Kuya! Yung yakap ko!"-nagmamaktol na saad ni Bianca.

"Tsk. Malaki kana, di na kailangan ng yakap"-pang aasar ko sa kanya.

 
"Pag si Ella ok lang, pero pag ako ayaw mo. Naman eh ang unfair"-nagmamaktol na saad ni Bianca.

Natatawa akong lumapit sa kanya at niyakap sya gaya ng gusto nya.

"Para kang pato"-saad ko at ginulo ang buhok nya.

"Kuya naman. Yung buhok ko!"-saad nya at inayos ang magulo nyang buhok. Tsk ang arte parin.

"Hanggang kailan kayo ni Shella rito?"tanong ko.

"Kuya! Ella na ang pangalan nya"-pagtatama ni Bianca.

"Whatever!"

"Don't call her Shella kung ayaw mong matrigger ang alaala nya at atakihin sya rito."-paalala niya.

Yes Ella na ang pangalan ni Shella. Dahil sinuggest noon ng doctor na palitan ang pangalan nya dahil everytime na tinatawag sya sa pangalang yun ay inaatake sya. O kahit ipaalala sa kanya o tanungin mang lang ang nangyari sa kanila ay sumasakit ulo nya.

"Pano na yan. Mas malabong malaman natin ang nangyari sa kanila ng ate nya"-nakaka frustrate lang. Si Shella nalang ang pag asa namin upang malinawan kami sa nangyari sa kanila ng kapatid nya.

Limang taon narin nakakalipas, pero magpa hanggang ngayon ay walang nakakaalam sa tunay na nangyari sa kanilang mag kapatid. Hanggang ngayon hindi malinaw para samin kung bakit ganun nalang ang naging epekto kay Shella ang pangyayaring yun.

 
"Don't worry kuya, malilinawan din tayo"

Pagkaalis namin sa airport ay agad kaming kumain sa japanese resturant at nagpunta sa mall. Ngayon nasa botique kami. Nagsusukat ng damit ang dalawa.

"Alam mo ba Shel este Ella parati kong dinadala ate mo rito"-wala sa katinuan kong saad nakita ko namang halos lumuwa ang mata ni Bianca.

"Palagi kang dinadala ni kuya dito ate Bianca?"- manghang tanong ni Shella kay Bianca.

Pinanlakihan naman ako ng mata ni Bianca. As if naman sinasadya ko yun.
 

"Ah  ito isukat mo"-saad ni Bianca sabay abot sa isang dress kay  Shella at tinulak ito papasok ng fitting room.

 
Maluwag akong nakahinga nong nakapasok na sya sa  fitting room. Agad naman akong nilapitan ni Bianca at binatukan.

"Ouch!"

"Walang ya ka! Pag yan inatake rito bahala ka talaga." Mataray na saad nya. "Alam mo namang sensetibo ang utak n'yan. Pag may maalala yang konting alaala aatakihin yan"-iritadong dagdag nya.

BED WARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon