Kabanata 30

4.5K 77 4
                                    

SHANELLE POV

MAAGA palang ay naka ready na ako sa pag alis ko. Lalo na't maaga rin ang byahe ko. Dapat mga 6 ay nandun na ako sa condo ng magiging amo ko.

MABAIT kaya sya?

Ay malamang hindi. Masungit nga daw sabi ni Mr. Brillantes.

"Oh apo handa ka na ba?"-tanong ni lola sakin at inabot ang kape.

Agad ko namang kinuha ito at ininom.

"Opo lola. Pag iigihan ko po para hindi ako magaya sa panggatong!"-biro ko kay lola.

"Panggatong?"-takang tanong ni lola. Mukhang di na gets ang biro ko. Himala!

"Opo panggatong. Ayaw kong MASIBAK"-saad ko at tumawa .

"Naku Batang to. Napaka mapagbiro mo kahit kelan!"-saad nya at nakitawa narin.

"Hahaha alam nyo naman ako lola"

"Hindi ka man lang ba magpapaalam sa kanila?"-tanong ni lola at natigilan ako

"Tulog pa sila lola eh"-umiiling saad ko.

"Teka gigisingin ko"

"Mama!"-saad ng anak ko na kakagising lang.

"Mama wag kana pong umalis!"-umiiyak na saad ni Samme.

(pronounciaton:Sammi)

"Samme diba napag usapan na natin to? Kailangan magtrabaho ni mama para may makain tayo, para makapag aral na kayo sa susunod na pasukan"-saad ko at pinunasan ang luha nya sa mukha.

Oh ang baby ko.

"Wag ka nang umiyak Samme uuwi rin naman si mama"-saad ng kambal nya.

Sa kanilang dalawa, mas matured mag isip si Saffe kumpara sa nakababata n'yang kambal.

 
"Tama si ate Saffe mo Samme, uuwi rin si mama"-nakangiting saad ko at hinalikan sya sa pisngi.

"Promise po?"-malamlam ang mata n'yang nakatingin sakin.

"Promise!"-paninigurado ko.

"Mamatay man lahat ng lamok dito sa bahay?"-saad nya na ikinatawa ko.

"Promise baby"-Natatawang saad ko.

"Oh Shanelle nandito na ang trysicle na maghahatid sayo sa sakayan ng bus"-saad ni lolo

"SIGE PO LOLO!!"-sigaw ko.

"Oh pano ba yan kailangan ng umalis ni mama. Pakabait kayo kay lolo at lola huh! Saffe bantayan mo si Samme. Samme wag matigas ulo huh!"-saad ko at isa isang hinalikan ang noo nila.

"Pano ba yan lola. Kayo na bahala sa mga anak ko"-saad ko at tumango naman sya.

Tumulo nalang ang luha ko ng bigla akong yakapin ng dalawang anak ko.

"We love you mama"-sabay nilang saad.

"I love you too babies"-saad ko at niyakap din sila.

Mayamaya pa ay sumakay na ako sa trysicle at sumakay ng bus.

Matapos ang halos dalawang oras na byahe ay sa wakas nakarating narin ako sa condo ng amo ko.

Sakto 5:50

Madali akong pumasok sa elevator at di nagtagal nakarating ako sa floor ng magiging amo ko.

Room 666 ano bayan demonyo ba tong amo ko? 666 talaga ah. Ayun yung room nya. nang biglang nag ring ang phone ko.

BED WARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon