CHAPTER 50

3.6K 41 2
                                    

ANGEL POV

PAGKARATING namin sa unit ni Ice ay pabagsak akong naupo sa sofa.
Nakakapagod ang araw na ito pero sulit dahil kahit papaano ay sumaya ako at nakalimutan ang mga problema ko.

Umupo si Ice sa tabi ko at nanatili paring nasa harap ang paningin.Umusog ako sa kanya at niyakap sya ngunit nagulat nalang ako nang bigla syang tumayo dahilan upang makalas ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Ice whats wrong?"-mahinahong saad ko.

Kanina pa sya wala sa wisyo kahit paman noong nasa E.K kami.Magkasama nga kami pero di ko maramdaman ang presensya nya.Tahimik lang sya at nakakunot ang noo.

'Is it because of Shanelle?'

Sasabihin ko sana yun eh ang kaso baka magalit sya sakin.

"Nothing.Im just tired thats all!"-saad nya at umakyat na.

"Whats wrong with you?"-saad ko kahit ako lang ang nakakarinig non.

Tsk Shanelle !Shanelle!Shanelle!Simplehang malandi ka rin.Nagkamali ako na nakipagbati ako sa iyo.

Dahil sayo ay lumalayo ang loob ni Ice sakin.At di ko hahayaang tuluyan nya akong iwan sa ere at ikaw ang piliin nya.
Hindi yun pwede.Over my dead body!

'Magkakamatayan tayo'

Humiga ako sa Sofa at pinilit ang sarili kong makatulog hanggang sa narinig kong bumaba si Ice at lumapit sakin.

"Hey!Dun ka na sa kwarto"-malumanay na saad nya

"Gusto ko dito!At baka mahawa ako sa pagiging cold mo"-sarkastikong saad ko

"Babe im sorry kung naging malamig ako sayo.Its just that im tired"-sinserong saad nya

"If I know nagseselos ka lang kay Steven dahil sa closeness nila ni Shanelle!"-sumbat ko

"Babe its not like that"-pag tanggi nya

"Dont you ever fool me Ice.May mata at pakiramdam ako.At kahit mata lang ang gamitin ko alam kong nagseselos ka,ganun ka kahalata!"-singhal ko sa kanya at umupo.

"Im sorry!"-sinserong saad nya

"Di ko hahayaang maagaw ka sakin ni Shanelle Ice.Magkakamatayan kami!"-seryosong saad ko

"Hindi nya ako maagaw Angel!"-saad nya

"Promise me na hindi mo na ako sasaktan.Layuan mo na sya!"-saad ko di sya makasagot at tumungo nalang.

kailangan mo syang layuan Ice.
Kailangan!Dahil pag nagkataon maiiwan ako sa ere.

*KRINGGGG*

Sabay kaming napalingon sa telepono na nasa gilid lang ng sofa!!Tumayo sya at inabot ito.

"Hello!!.......anong meron sa isa ko pang unit??.........WHATTTT????o sige papunta na ako!"-saad nya at ibinaba ito bakas sa kanyang mga mata ang pag aalala


"Whats the matter?"-tanong ko pero di nya ako sinagot bagkus tumakbo sya palabas ng condo.

"ICE!"-sigaw na tawag ko at patakbong sinundan sya.At naabutan ko sya sa elevator.Sumakay kami at pinindot nya ang button.

"Whats happening?"-tanong ko

"May nangyari sa isa ko pang unit"-saad nya

"You mean yung tinutuluyan ng babae mo?"sarkastikong saad ko at nakita ko naman kung papaano nangunot ang ang kanyang noo.

BED WARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon