Chapter 52

3.3K 46 1
                                    

SHANELLE POV

GALIT ako kay Angel pero nangingibabaw parin ang awa ko para sa kanya.Kahit na sya pa ang nagsimula saming dalawa ay di ko magawang magalit ng husto.Sadyang napuno lang ako kanina.

Ikaw ba naman ang sambunutan ng bigla bigla tapos masakit pa ulo mo dahil nga meron ka tapos gaganunin ka.Di ko naman sana sya papatulan actually nagmakaawa pa nga ako para bitawan nya pero dahil malakas tama nya di nya ako pinakinggan,ayun nabuhay ang pagka war freak ko.

Tapos nong dumating si Ice babaliktarin nya ako??Pasensya sya dahil alam ni Ice na di ako yung tipo ng tao na magsisimula ng gulo.

Pero nawala ang inis ko nong nakita ko syang umiyak.At ano daw nawawala ang kapatid nya??May kapatid pala sya???

"Shanelle!Pagpasensyahan mo na Si Angel!!!"-pagpapaumanhin ni Ice

"Wala na yun.Wag lang nyang ulitin dahil masakit na ang anit ko!!!"-saad ko

"So di ka na aalis?"-tanong nya

"Tama si Angel!!Kailangan ko na talagang umalis!"-saad ko

"Pero Shanelle!"-saad nya

"Ice hanggang nandito ako masasaktan ko si Angel!At masasaktan mo rin sya.Ayaw kong manakit lalo pa kung si Angel ang sasaktan ko na marami nang sakit na pinagdaanan."-Singhal ko sa kanya

Nakakainis kasi sya.Mahal nya daw si Angel pero sinasaktan nya naman.

"Di ito deserve ni Angel Ice!Limang taon ang tiniis nya makita ka lang."-saad ko at tinalikuran na sya.

Pagdating kobsa kwarto ko ay nag empake na ako.Magaling na si Saffe kaya di na ako masyado mahihirapang maghanap ng trabaho.

Ang dahilan noon kung bakit ko pinatulan ang trabahong ito ay para maipagamot ko si Saffe.Ngayong magaling ba sya kahit pipityuging trabaho ay mabubuhay ko sila ng mag isa.

Nagsulat ako ng note at inilagay ito sa kama.Paglabas ko ay wala na si Ice sa sala.Maybe nag uusap na sila ni Angel.Good for them.

Ice!Angel!!

Sana sa pag alis kong ito ay magiging okay na kayo!!!Hangad ko ang Kaligayahan nyo.

Kahit na magdudulot ito ng matinding sakit sa puso ko.

Pagkalabas ko condo ay sumakay na ako sa taxi.

"Kuya!!Sa Omamalin's Coffe shop po tayo"-saad ko

"Yes maam!"-saad nya at pinaandar na ang sasakyan.

Nakatingin lang ako sa bintana sa buong byahe.Hindi ko maiwasang malungkot.Kung gaano kasarap nag mahal ganun din kasakit ito.

Nakakabaliw ang sakit.Eto ang nakuha ko sa sobra sobrang pagmanahal ko kay Ice.Sabi nga nila pag nagmahal ka dapat MAHAL lang hindi MAHAL NA MAHAL para pagnasaktan ka MASAKIT lang hindi MASAKIT NA MASAKIT.

Pagnagmahal ka kailangang may itinira kang para sa sarili mo para pag iniwan ka makakabangon at makakabangon ka.

Sa kaso ko ibinuhos ko lahat ng pagmamahal ko kay Ice.Nasimot at walang natira sakin.Pero para sa mga anak ko babangon ako.

"Maam nandito na po tayo!"-saad ni kuyang driver.Kumuha ako ng dalawang daan sa wallet ko at ibinigay ito sa driver at lumabas.

Pagkapasok ko sa coffee shop ay omorder agad ako at umupo malapit sa bintana.

Habang sumisimsim ako ng kape ay nakita ko ang pamilyar na bulto ng katawan na nasa counter.

"SHANELLE!"-nakangiting sigaw ni Steven.

BED WARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon