Kabanata 14

6.4K 73 0
                                    

ANGELA POV

Nandito kami ngayon sa cottage namin ni Bianca. Magkasama kami sa cottage bale apat kami dito, pero ngayon kami lang dalawa.

"Ano nga pala ang pinag awayan nyong magkapatid"-tanong ni Bianca sabay subo sa popcorn na hawak nya.

"Maliit na bagay lang bessy."saad ko at tinakpan ng unan ang mukha ko, baka kasi umiyak nalang ako.

"Kung maliit na bagay lang ba't di ka parin umuuwi?"-saad nya. Boom sapul ako.

"Bessy kung ayaw mong makitira ako sa kuya mo just straight to the point. Pwede naman akong lumayas sa pamamahay ng kuya mo eh"-inis na saad ko.

"Woah woah woah! Easy lang hindi yun ang gusto kong palabasin. Look i'm sorry"-saad nya.

"Apology accepted. Basta wag lang nating pag usapan. Change topic nalang tayo"

*Tok tok*

"Bukas yan"-saad ko at pumasok ang roomate namin.

"Kakain naraw ng lunch lumabas na kayo"-saad ni Mae at lumabas na.

"Tara na bessy gutom na ako. Sawa na ako dito sa walang lasang pop corn nato"-saad nya at tinapon ang walang laman na karton ng pop corn.

"Wow. Sawa daw pero ubos na"-saad ko at tumayo narin.

Sabay kaming lumabas at pumunta sa kainan. Pagkarating namin ay nagsikain na kami. Pero hinahanap ng mga mata ko si Matthew. San ba yun?

"Ahh Mia nakita mo ba si sir Adamson"nakita ko namang ngumiti ng palihim si Bianca kaya siniko ko sya at sinamaan ng tingin.

"Ahh si sir? Ewan ko kanina pa nga yun wala dito"-saad ni Mia.

"Baka kasama nya yung babaeng dumating kanina"-saad ni Carla.

"Sinong babae?"-tanong ni Bianca.

"Ka-kaylee ata pangalan nong babae"-saad ni Criza. Nakita kong natuod sa kinatatayuan si Bianca.

"Si ate Kaylee?"-mahinang saad ni Bianca na halatang gulat parin.

"Kilala mo sya bessy?"-tanong ko. Pero imbes na sagutin nya ako muli syang nagtanong.

"San daw sila pupunta. At anong gagawin nila?"-sunod sunod na tanong ni Bianca.

"We dont care kung saan sila pupunta, Babae at lalaki sila, at kung ano man ang ginagawa nila who knows"-mataray na saad ni Criza at umalis na.

Sino bayang Kaylee nayan. Marinig ko lang ang pangalan nya parang kumukulo na ang dugo ko. Sino ba sya? Anong papel nya sa buhay ni Matthew?

"Sino si Kaylee bessy?"-tanong ko.

"Kuya's first love!"-saad ni Bianca. Oh great He had his first love. Di katakatakang wala sya rito.

"Are you okay bess?"-nag aalalang tanong nya sakin.

"Bakit ako hindi maging ok?"-tanong ko.

"Ah!eh w-wala."-Saad nya.

"So sino yang Kaylee nayan sa buhay ni sir?"-saad ko habang tinatago ang inis ko. Hindi dahil may babae sya kundi dahil pinabayaan nya kaming estudyante nya.

"So yun Nga si Kaylee ang first love ni kuya. 5 years na naging sila, nag break lang sila nong mas pinili ni Kaylee ang career nya bilang model at pumunta sa Paris."-saad ni Bianca. Great ang kapal naman ng babaeng yun matapos nyang iwan para sa career nya babalikan nya nang ganon ganon lang.

"Are you okay bessy? You look angry"-Makahulugang saad ni Bianca.

"Ba't naman ako magagalit?"-inis na saad ko.

BED WARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon