Kabanata 22

5.2K 56 0
                                    

ANGELA POV

3 DAYS na ang nakalipas simula nong umuwi kami ng Manila. At sa 3 days na yun nanatiling malamig ang pakikitungo sakin ni Matthew.

Gabi na sya umuuwi, tapos kinabukasan ay di ko na sya makikita sa condo. Di narin sya pumapasok sa school kasi bumalik na sya sa Company nya.

At ngayong araw na to ay graduation na namin. Mag cacollage na ako sa susunod, at excited na ako. Pagkatapos kong ayusin ang kama ay agad akong naligo. Habang naliligo ako napailing nalang ako nang maalala ko ang pagtatapat sakin ni Matthew sa Tagaytay.

"Di pwede Angel! Kahit mahal mo sya di pwede. Dahil sa huli magkakasakitan lang kayo."-saad ko at nagbanlaw na.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagbihis ng Black dress. Hapit na hapit ito sa katawan ko at may kaiksian rin. At dahil black itong dress nangibabaw ang kaputian ko.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas ng kwarto. At pagdating ko  sa dining  area napasinghap nalang ako ng makita kong tahimik na kumakain si Matthew.

Saglit na nagtama ang mata namin. God I miss his eyes, his presence, lahat sa kanya ay namiss ko. Nauna akong nag iwas ng tingin at tumalikod na.

"Di mo ba ako sasabayang kumain?"-malamig na saad nya. Humarap ako at ngumiti at lumapit sa lamesa at umupo kaharap nya.

Nagulat nalang ako nang lagyan nya ng sinangag, hotdog, at bacon ang pinggan ko na lihim kong ikinangiti.

"Kumain ka ng marami. Ang payat mo na"-malamig parin na saad nya at iniwan ako sa lamesa.

Napasimangot nalang ako dahil sa pag iwan nya sakin sa hapag. Nag tanong sya kung sasabayan ko sya sa pagkain tapos nong kakain na ako aalis pala sya? Nukayayun?

Kakain na sana ako ng bumalik si Matthew bitbit ang isang paper bag at umupo ulit. Hayst akala ko pa naman iniwan nya talaga ako rito.

"Para sayo"-saad nya at iniabot ang paper bag.

"Para san to?"-saad ko sabay kuha sa iniabot nyang paper bag.

"Graduation gift ko sayo"-simpleng saad nya at kumain ulit.

"S-salamat! Pero hindi ba galit ka sakin?"-nahihiyang tanong ko.

"Masyado kitang mahal para magalit sayo ng matagal. I love you Angel oo galit ako sayo but it doesn't mean nawala agad ang pagmamahal ko sayo"-saad nya habang nakatingin sakin.

"K-kung di ka t-talaga g-galit bat di ka nagpapakita sakin nitong mga nakaraang araw? Ang cold mo pa"-nakayukong saad ko. Damn! Nagsimula na namang manubig ang mata ko.

"Ah yun ba? Maraming nakatambak na trabaho sa kompanya dahil ilang weeks akong wala, so kinailangan kong i fix lahat ng yun kaya gabi na ako umuwi. At kaya naman malamig ang pakikitungo ko sayo dahil sa sinabi mo. Ayaw na tuloy kitang makita dahil habang nakikita kita naaalala ko lang ba di mo ako mahal"-straight na saad nya.

"E-eh b-bakit ngayon?"

"Wala eh! Di ko kayang di ka makita at makasama eh. Kaya kahit nasasaktan ako pagnakikita kita tinitiis ko nalang."-saad nya at uminom ng tubig.

"I'm sorry"-saad ko nalang at kumain na.

Pagkatapos kong kumain ay naghanda na ako para umalis.

"Sorry hindi ako makakapunta. May board meeting kasi kami ngayon. Pero itatry ko"-saad nya at inayos ang kurbata nya.

"Ok lang. Maraming salamat nga pala sa gift"-nakangiting saad ko.

BED WARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon