Chapter 14

160 15 0
                                    

Chapter 14

PAIN is already part of Dads life, she used to be in pain but this kind of pain she's feeling at this moment is more painful than physical pain like what she used to. Alam niyang hindi naman ginusto ni Blade ang halik na iyon dahil nakita niya kung paano nito tinulak si Nadine pero masakit din palang makita ang lalaking mahal niya na hinahalikan ng ibang babae kung pwede naman siya nalang ang gumawa.

Napangisi siya nang maalala ang babaeng humalik kay Blade. Blade is mine, alone! Ang paulit ulit na sinisigaw ng isip niya. Iisa lang ang kinahahantungan ng mga taong umaagaw sa pag aari niya. Kamatayan.

May isang salita siya at kapag sinabi niyang papatayin niya ito, talagang papatayin niya. Pinapahaba niya pa nga ang buhay ni Nadine Alvarez pero wala siyang magagawa kung ito na mismo ang gumawa ng paraan para maging maaga ang kamatayan nito.

Poor Nadine, ano kaya ang magiging reaksyon ni Mr Alvarez kapag nakita niya ang anak niyang wala ng buhay?

Sa kanya lang si Blade at hindi niya ito ipinapahiram at mas lalong ipamimigay sa iba dahil hindi naman isang bagay lang ang binata para pagpasa pasahan at mapunta kung kani-kanino lang.

Call her obsessed but she doesn't give a shit! She's possessive and territorial. She love Blade so much at hindi siya makakapayag na basta basta nalang may aagaw sa lalaking mahal niya.

"Ma'am nandito na po tayo." She's snapped out from her reverie when she heard the driver. Nakasakay siya sa taxi, galing siya sa mansyon ng mga magulang ni Alex para puntahan si Kyff pero nagkataon wala ang mga ito. Lumabas daw para ipasyal ang bata kaya hindi na siya nagtagal doon sa mansyon.

"Salamat manong." Nakangiting turan niya at inabot ang bayad.

She step out of car and heave a deep sigh. Napahawak siya sa kanyang tagiliran nang sumigid ang nakakangilong sakit sa tagiliran niya, nang tignan niya ito'y may bahid na ng dugo sa kanyang kamay at damit. She shrugged and ignored it, sanay naman na siya. Masakit din ang kaliwang balikat niya pero hindi niya na pinansin at nag umpisa ng maglakad. 

Wala na siyang ibang mapuntahan kaya naisipan niyang pumunta sa lugar na ito. Madalas siya rito para maglabas ng mga saloobin, kapag gusto niyang mapag-isa at ng katahimikan. Sa sementeryo.

Naglakad lakad siya hanggang makarating sa dapat niyang puntan pero mukhang may nauna na sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya bago naglakad palapit sa puntod na dapat niyang puntahan na kasalukuyang may lalaking mag isang nakaupo, nakatalikod ito sa kanya at mukhang hindi siya naramdaman nito.

Umupo siya sa tabi ng binata, bahagya pa itong nagulat nang makita siya. She smiled at him, using her right clean hand she wiped out the tears on his face.

"Don't cry hindi bagay sayo, nawawala ang kagandahang lalake mo." Pagbibiro niya rito na bahagyang ikinatawa nito.

"Can't help it baby girl, it's all my fault. Kung sana hindi ako umalis, kung sana hindi ko pinairal ang katangahan at kaduwagan ko, kung sana siya ang pinili ko, kung nanatili lang sana ako sa tabi niya hindi siguro mangyayari ang lahat ng ito. But its too late, very very late and I regret it." Ramdam niya ang bawat hinagpis nito sa mga salitang narinig niya mula rito. It breaks her heart seeing him like this.

He's blaming himself like how she blamed herself too. Siya nga ang nasa tabi pero hindi niya naman nagawang protektahan ito. Yon ang mas masakit sa parte niya.

"I did blamed myself too but then I realized, kahit sisihin ko pa ang sarili ko nang paulit ulit hindi na sila babalik. They're already dead. It hurts so much, I know everyone deserves to live in this world but they're much more deserve to live more than I do. Pero tignan mo kung anong nangyari, heto ako buhay na buhay. Naiinis ako sa sarili ko, ako itong nasa tabi nila pero wala man lang akong nagawa." Pakiramdam niya'y pinipiga ang puso niya habang sinasabi ang mga ito sa binata.

Thanatos Series 1: Blade Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon