Chapter 25

159 5 0
                                    

Enjoy Reading!😍

Chapter 25

"READY all my toys, I'll be playing with her. Expect me at the headquarters tommorow night, make sure everything is settled when I arrive." Aniya sa kausap na isa sa mga tauhan niya.

"Yes boss." Nang marinig ang sagot sa kabilang linya pinatay na niya ang tawag, iyon lang naman ang kailangan niyang ipaalam sa mga ito.

Dads release a heavy sighed and put her phone on the bedside table. Bumalik siya sa pagkakahiga sa kama at tulala lang nakatitig sa kisame— iyon ang ginagawa niya kanina bago tawagan ang tauhan niya. Boring na boring na siya pero ayaw naman niyang lumabas ng kwarto, kailangan pa niyang magpalakas para sa gagawin niya bukas. Tatlong araw na siyang nakakulong sa kwarto ni Blade, hindi naman literal na nakakulong siya— ayaw niya lang talagang lumabas lalo na sa kondisyon niya na ayaw na ayaw niyang nakikita ng iba.

Nagpapasalamat siya na hindi na masakit ang tiyan niya pero kahit ganoon ay ayaw pa rin ni Blade na gumagawa siya ng kung anu-ano katulad nalang ng paglilinis sa kwarto nila, pag-aayos ng kama at kung anu-ano pa. Parang nabaliktad na nga ang sitwasyon, siya itong nag-aalaga dito pero ngayon siya na ang inaalagaan.

"What's with the ceiling? Is there something wonderful you see that you couldn't even take your eyes away from it?" Anang boses na pumukaw sa kanya, napangiti siya at binalingan ang kasintahan na kalalabas lang ng bathroom. Sunod-sunod ang paglunok niya ng makitang nakatapis lang ng tuwalya ang binata. His eight pack abs are waving at her and he even look hotter with his tribal tattoo on his shoulder.

Bumangon siya at lumuhod sa kama. Sinenyasan niya ang binata na lumapit sa kanya na sinunod naman nito. Kinuha niya ang isa pang tuwalyang nakasabit sa balikat ng kasintahan at pinaupo ito sa gilid ng kama. "May iniisip lang ako." Aniya bago sinimulang tuyuin ang buhok nito gamit ang towel na kinuha niya dito. "Ang hot naman ng Blade ko." She whispered.

Napangiti siya nang sunod-sunod ang paghinga nito nang malalim and to tease him even more— after drying his hair she wrapped her arms around his neck from the back and press her breast against his back.

"Baby!" He exclaimed that made her laugh. Binitawan niya ito at ibinagsak ang sarili pahiga sa kama habang tawa nang tawa. Nilingon siya nito at sa isang iglap lang ay namalayan nalang niyang nasa ibabaw na niya ang kasintahan. Tinignan siya nito nang masama na tinawanan niya lang. "Stop it baby, you're teasing me again. If you keep doing that I might not able to hold back."

"I love you." Masuyong aniya at ginawaran nang mabilis na halik ang mamula-mulang labi ng binata. Naglalambing na ipinulupot niya ang braso sa leeg nito. "I'll be not here tomorrow, I have lots of things to do in our headquarters. Is it okay with you?"

Masuyong hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. "It's okay baby, you have responsibility to your organization— in your headquarters, I understand as how you understand me. I don't wanna be a burden to you."

"You'll never be a burden to me, Blade. Kahit kailan hindi ko inisip na pabigat ka sa akin, in fact ikaw ang nagpapalakas ng loob ko every time I feel so down. You see? Because of you I seldom think about killing myself, I can peacefully sleep at night— no nightmare at all and so on. Don't you ever think that you're a burden to me, kasi sa atin dalawa alam kong ako iyon. Sa klase pa lang ng pag-iisip na meron ako nakakatakot na, buo ang tiwala ko sayo pero hindi ko pa rin maiwasang matakot na baka dumating ang araw na magsawa ka na sa akin o baka nanasakal ka na sa akin at iwan mo ako. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa iwan mo ako, just the thought of you leaving me is already killing me. Mahal na mahal kita Blade... sobrang mahal na mahal. Kung sakaling dumating ang araw na ayaw mo na sa akin, magsabi ka lang ah para kahit papaano ay mapaghandaan ko." Mahabang litanya niya.

Thanatos Series 1: Blade Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon