Chapter 21

152 9 1
                                    

Chapter 21

THE SILENT ship was broke by the loud firing of their guns, the hallways are full of lifeless bodies and as Dads look around she felt nothing but excitement. Seeing blood, lifeless bodies doesn't scare the hell out of her— it's the other way around— she felt great especially when she's the one who killed it. Mag-kahawak kamay pa rin sila ni Blade habang lakad-takbong tinatahak ang daan patungong second floor. Lahat ng mga bangkay na nakaharang sa dinaraanan nila ay walang awang pinag-sisipa niya.

"Stop kicking those bodies." Saway sa kanya ng kasintahan.

"E sa nakaharang sila." Reklamo niya na ikina-iling ng binata. "Are you guys okay?" Kapagkuwan tanong niya sa mga kasamahan.

Sunod-sunod naman ang naging sagot ng mga kasama niya na ayos lang ang mga ito.

"Viper I'm warnin' you, huwag na huwag kang haharap sa akin nang may sugat." Babala niya sa binata. Ganito na talaga siya sa tuwing nakikipag-laban sila, kaya nga mas gusto niyang mag-isa nalang para wala siyang aalalahin.

"I'm doing good Black ikaw ang mag-iingat may sugat ka." Sagot nito.

Biglang napatigil si Blade sa paglalakad kaya napatigil din siya dahil hawak nito ang kamay niya. "What?" Tanong niya dito.

Dads can see the worry in Blade's eyes as he look at her. "Your wound, are yo—"

She cut him off, "I'm okay— this won't kill me." Aniya. Pinagsiklop niya ang kamay nila at sa pagkakataong iyon siya naman ang humila sa binata. "Seb what's the status in second floor?"

"Dehado sina Shawn at Thunder! Masyadong marami ang kalaban, hurry up guys!" Pagbabalita nito. Nagkatinginan sila ni Blade kapagkuwan nag-tanguan— bumitaw sila sa pagkakahawak sa isa't isa at na-unang tumakbo sa kanya si Blade na mabilis niya rin sinundan— sa sobrang bilis niya ay nauna pa siyang dumating sa sinasabing lugar ni Sebastian. Naabutan niyang nakikipag-palitan nang putukan ng baril sina Shawn at Thunder sa dalawang panig.

Marami-rami din ang kalaban nila, sana pala dinala niya ang katana niya. She mastered all kinds of weapons from long range to short range but she really don't know why she love the weapons with blade rather than any kinds of weapons. One of Dads favorite is her katana.

Pumunta siya dito sa port at pumasok sa cruise ship na ang tanging dala lang ay ang dagger niya na palaging nakatago sa bulsa niya.

Nasa likod na siya nila Shawn at Thunder na mukhang hindi naramdaman ang presensya niya dahil abala ang mga ito sa pakikipag-barilan. Napatingin siya sa paligid at nang makakita ng baril malapit sa nakabulagtang katawan na nasisiguro niyang wala ng buhay ay nilapitan niya ito at pinulot ang dalawang baril.

Malapit na sila sa kwartong tinutukoy ni Sebastian pero hindi sila makalapit dahil sa dami ng tauhan ng Diez at Lacson na nakakalat malapit sa silid na iyon.

Lumapit siya sa dalawa na hindi pa rin siya nararamdaman. "Are you guys okay?" Tanong niya sa dalawa na ikinagulat ng mga ito dahil bahagya itong napatalon. Napailing siya, they're letting their guard down. Hindi dapat binabaliwala ang nasa paligid kahit sabihing nakikipag-barilian ang mga ito, they need to be conscious with their surroundings. Sa ganitong laban talasan nang pakiramdam ang kailangan, it doesn't matter if enemy have deadly weapons as long as their senses and reflexes are active. Well, ganun siya hindi niya lang alam kung ano ang pananaw ng mga kasama niya.

Aware naman siyang kakaiba siya sa mga kasama niya, even Dads don't consider herself as human anymore— she was born like an angel but too bad she grew up like a monster.

"I'm okay."

"Okay lang."

Sabay na sagot ng dalawa. Habang nakatingin pa rin kay Shawn— itinaas niya ang hawak na baril sa kaliwang kamay at kinalabit ang gatilyo at narinig nalang niya ang pag-bagsak ng katawan. Nilapitan niya ang binata at hinawakan ang kaliwang braso nito nang makitang may dugo.

Thanatos Series 1: Blade Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon