Liham ng Pag-ibig 12

105 8 0
                                    

"Heneral, nakarating na at lahat ang mga manonood ay wala pa rin tayong namamataang kahina-hinalang tao." Mukhang malapit na ngang magsimula ang programa, ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi sila magpapakita.

"Oo nga, heneral. Baka naman walang balak ang mga Guardia de Honor na lumusob ngayon, porque estan demasiado ocupados hablando con la virgen maria!" Impluwensiya man ng mga Kastila ang katolisismo ay hindi iyon sapat na dahilan upang kanilang bastusin ang birheng Maria.

"HAHAHAHAHA/HAHAHAHA!" Sabay na tumawa ang dalawang kawal na mas piniling sumunod sa akin kaysa ang maglibot sa initan, sinamaan ko sila ng tingin.

"Walang oras na pinipili ang trahedya, Hernan. At huwag ninyong bastusin ang birheng maria!" Tumungo sila bilang paghingi ng paumanhin.

"Pasencia na po, heneral. Gusto lang naman po naming makilahok sa kasiyahan, tutal naman po ay inihanda ito para sa inyo." Maging ako rin naman ay nais na mag-dar rienda suelta, ngunit cargo de conciencia ko ang kaligtasan ng lahat na naririto.

"Naiintindihan ko kayo, ngunit hindi dapat mapanatag ang ating loob na hindi sila gagawa ng hakbang ngayong araw." Nais kong hindi nila makalimutan na kami'y sundalo ng Pilipinas, nanumpa ng lealtad.

"Heneral, kailan pa ba tayo muling magkakaroon ng pagkakataong maging masaya, kun'di ngayon?" Hindi ako mapapalagay, lalo na't alam kong may banta.

"Goyong." Nagsidatingan na rin sina Vicente, at Inalakbayan niya ako.

"Alam mo, may punto itong si Ignacio. Maganda ang araw ngayon, malayo tayo sa digmaan, kaya't bakit hindi natin tamasin ang araw na ito?" Napapaisip na rin akong tuparin ang kanilang kagustuhan, ngunit kailangan ko ng seguridad.

"Huwag kang mag-alala, kapatid. Kahit naman makilahok tayo ay mananatili pa rin naman kaming alerto." Nako, kilala ko ang aking hukbo, 'pag nakatamasa ng ligaya, ay nawawala sa sarili.

"Mabuhay naman tayo nang normal, kahit kaunti lang." Kaunting normalidad ngayong araw? Maaari naman siguro.

"Sige, basta't sisiguraduhin ninyong kakastiguhin ang lahat ng kahina-hinala-"

"Babae man o lalaki." Si kuya na ang bumuo ng paulit-ulit kong sambit ngayong araw. Nunca puedes estar muy seguro.

"Oh, nagkasundo na tayo. Hernan, ipamalita sa ating kasamahan, at simulan na natin ang kasiyahan!" Inalakbayan na rin ako ni Kuya at nagwatak-watak na ang aking hukbo. Wala sanang mangyaring masama. Patnubayan kami ng Dios.

-

Si Remedios! Namamagitan sa amin ang makapal na dami ng tao na nagbebenta ng kakanin, naghahanap ng mauupuan, at sumisilay sa akin nang nagtama ang aming tingin at boluntaryong napangiti ako. Sinenyasan ko siyang huwag umalis sa kinaroroonan, 'pagkat ako ang pupunta sa kanya. Makailang ulit akong nakabangga ng tao, at humingi rin naman ako ng dispensa, ngunit hindi pa man ako nakalalapit kay Remedios ay may humarang sa aking paningin.

"Heneral Gregorio del Pilar?" Isang matandang lalaki ang nasa aking harapan. Naka-barong siya at mamumutawi ang edad sa puti ng buhok.

"Sí Señor?

"Gobernador Quesadas, heneral." Nakipagkamay siya sa akin. Siya pala ang gobernador na nag-anyaya sa akin at siyang punong abala sa araw na ito.

"Ah, Magandang araw, Gobernador."

"Magsisimula na ang maiksing parada, batid kong nai-abot ng aking mensahero ang mensahe?" Nagtungo muli sa aking tinutuluyan si Angelito noong nakaraang linggo, at sa pagkakataong iyon ay nawala na ang takot ng paslit sa akin.

Huling Pag-ibig ng Batang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon