Liham ng Pag-ibig 8

124 12 0
                                    

La Oficina del Presidente

Heneral del Pilar,

Natitiyak kong maayos ang iyong kalagayan sa pangangalaga ng mga Nable Jose, at nawa'y naging matiwasay ang inyong viaje patungo riyan sa bayan ng Dagupan.

Nabalitaan mo na ba ang tungkol sa Guardia de Honor? Sila ang grupo ng mga tulisanes na nananalagi sa probinsya ng Tarlac at Pangasinan. Nang naitatag ang kanilang organización ay tanging itanim ang debosyon sa birheng maria ang kanilang layunin, ngunit hindi nagtagal ay naging pasakit na sila sa ating republika 'pagkat taliwas sa layunin ng Katipunan ang sa kanila. Balak nilang ipaghiganti ang pagkamatay ni Luna, at tila plano rin nilang gamitin ito upang makakuha ng suporta mula sa mga kababayan natin.

Mag-iingat ka sa mga Ilocano, Goyo.

Hanggang sa muli nating pagkikita,

Presidente Emilio Aguinaldo

-

REMEDIOS

Matapos ng walang-sawang pagrereklamo ni Pepay pabalik sa bayan ay malapit na rin kaming makabalik sa aking tahanan. Kailangan ko pa nga palang kastiguhin si Pepay upang hind siya magbigay-ulat kay ina o kay ama, lalo na kay Dolores.

"Goyo, maaari mo ba akong tulungan upang kumbinsihin si Pepay na huwag magsalita tungkol sa nangyari ngayong araw?" Magkatabi kaming naglalakad ni Goyong, habang si Pepay naman ay nasa unahan, naghihimutok pa rin 'pagkat naiwan siya sa kabilang bahagi ng talon.

"Madali lang iyan, Remedios." Panay ang pag-gawad sa akin ng ngiti ni Goyong. Ano bang nakain nito at tila nahihibang na sa akin? Hindi naman ako ang naghanda ng kaldereta upang magkaroon ito ng gayuma.

"Pepay, sandali lang." May pagbuntong-hininga pang nalalaman itong si Pepay bago humarap sa akin, mukhang mahihirapan kaming kumbinsihin siya.

"Alam ko na po ang nais ninyong sabihin." Walang reaksyon sa kanyang mukha, ngunit pansin ang inis sa boses.

"Oh, eh.. alam mo naman na pala, kung ganoon ay matutulungan mo ba kami?" Goyong naman! Hindi ganyan ang nakiki-usap!

"Hindi po." Masama pa rin siguro ang kanyang loob dahil sa pag-iwan namin sa kanya, tapos ay hindi pa siya nakakain ng pananghalian dahil sapat lamang sa dalawang tao ang ihinanda ni Goyong.

"Pepay!" Hinawakan ko ang dalawa niyang braso at nanlambing sa kanya, ngunit tinanggal lamang niya iyon, at tinignan ako nang diretso sa mata.

"Kahit anong gawin ninyong pagpilit ay hindi magbabago ang katapatan ko kay Doña Paz at kay Don Mariano." Tumalikod na si Pepay at nagmadaling maglakad palayo sa amin, mukhang hindi na niya kami aantayin pauwi sa bahay.

Hindi ko na muna iispin ang mangyayari mamaya. Maganda talaga ang araw ngayon, 'pagkat nagsisilabasan na ang mga mamamayan upang maglakad-lakad. Kapansin-pansin ang grupo ng mga kababaihang kabit-kabit kung maglakad, at mahahalata mong hindi mga lokal. Oh!

"Goyong! Bakit ka ba nagtatago sa aking likod?" Nahubad na ang aking balabal dahil sa matinding paghigit at pagkapit ni Goyong sa aking kasuotan. Bakit ba takot na takot ito? Parang hindi Heneral!

"Maglakad ka lamang nang diretso, Remedios." Ani niya at saka dahan-dahan akong itinulak pauna. Para siyang hangal!

"Goyong, hindi sapat ang aking katawan at taas upang ikaw ay maitago!" Pinilit ko siyang higitin, kaya't nakagawa kami ng ingay, dahilan upang magsitinginan sa amin ang mga naglalakad.

"Pasensya na po! Pasensya na." Kung sinu-sino na ang hiningian ko ng paumanhin, mahirap na at baka mamaya ay isipin nilang naghaharutan kami ni Goyong.

Huling Pag-ibig ng Batang HeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon