19
Para sa batang heneral;
Nang una kitang makita, ay may kung anong kumiliti sa aking puso. Hindi ko mawari ang dahilan sa likod ng mahiwagang pakiramdam na ito, ngunit nang nakita kita ngayong gabi mula sa bintana ng aking silid, may kasamang mga musikero na may dalang gitara at iba't iba pang instrumentong pang musika, ay mas lalo itong tumindi. Ang pag-awit mo'y musika sa aking pandinig.
Alam kong musmos pa tayo at hindi pa natin alam ang tunay na kahulugan ng buhay, tayo ay nasa gitna ng kaguluhang dala ng mga banyaga, ngunit Goyong, ipagpatawad mo, pagkat ako'y umiibig na sa iyo. Ibinibigay ko na ang matagal mo nang sinusungkit; ang aking matamis na pagsang-ayon. Oo Goyong! Tayo'y magkasintahan na.
Lubos na nagmamahal,
Felicidad
-
Iniwanan ako ng lahat sa sala upang ayusin ang gulong sinimulan ko sa pagdadala rito kay Remedios. Umakyat ako patungo sa silid ni Felicidad at sarado ito tulad ng aking inaasahan. Lumuhod ako sa harap ng kanhang pinto, at sinubukang kumatok.
"Felicidad, maari ba tayong mag-usap?" Katahimikan lamang ang sumagot sa aking tanong, batid kong wala akong maririnig kahit isang salita mula sa kanya, ngunit nanatili akong nakaluhod, at nagsumamo pang muli.
"Humihingi ako ng kapatawaran Felicidad, hindi ko.." Hindi ko lubos akalaing narito ka, kaya't buong pag-aakala ko'y ayos lamang na dalhin ko rito si Remedios. Hindi ko masasabing nagkasala ako sa iyo, p'agkat matagal na tayong tapos. At sa nangyari sa atin sa nakaraan? Paulit-ulit akong humingi ng kapatawaran sa iyo, ngunit naging matigas ang iyong puso. Nakipaghiwalay ka sa akin 'pagkat hindi na ako kaya pang pagkagiwalaan. Humihingi ako ng tawad 'pagkat naging mahina ako sa temptasyon. Mahina ako Felicidad. At higit sa lahat, humihingi ako ng kapatawaran 'pagkat hindi na ikaw ang laman ng aking puso. Matagal na Felicidad. Hindi na ikaw.
Nagsimulang gumawa ng ingay ang nakabibinging pagpatak ng ulan sa bubong ng mansyon. Nasagi sa isip ko si Remedios. Ano na lamang ang mangyayari sa kanya? Malamang ay basang-basa na siya sa ulan, sana naman ay maisipan niyang sumilong sa isang ligtas na lugar.
Palagi na lamang akong nakagagawa ng kasalanang hindi ko ninais. Remedios, patawad. Babawi ako sa iyo, pangako iyan.
Lumipas pa ang isa, dalawa, tatlong oras ngunit tahimik pa rin ang kapaligiran. Tanging huni ng mga kuliglig ang aking naririnig at tunog ng mga palaka. Malakas pa rin ang buhos ng ulan, mukhang magiging mahaba ang gabing ito.
Nasaan na kaya si Remedios? Nakauwi kaya siya nang ligtas? Paano kung may mga masasamang loob na dumating at pagkaisahan s'ya? Nag-iisa pa namang naglakakad si Remedios.
Nako! Paano kung naunahan siyang makauwi nina Don Mariano? Baka masaktan na naman siya ng kanyang Ama.
Punong-puno ng pagsisi ang aking katawan. Dapat pala ay sinundan ko si Remedios, at siniguradong makakauwi siya nang ligtas, kaysa naman narito ako ngayon, nagsusumamo sa isang kahoy na pinto.
Alam ko naman sa aking sarili na kailan ma'y hindi magbubukas ng pinto si Felicidad upang ako'y pakinggan, mas lalong hindi nya ako kakausapin.
Kung umalis na kaya ako ngayon at marapating umuwi na sa tahanan ng mga Nable Jose? Tama, dapat nga.
-
Sa aking tantsa ay hating-gabi na. Palihim akong bumaba upang hindi ako makagawa ng anumang ingay na makakagising sa mga tao ng mansyon. Hinubad ko pa ang aking bota pagdating sa hagdanan, 'pagkat masyado itong maingay. Dahan-dahan akong bumaba at nagpalinga-linga upang makasigurado na walang nakakakita sa aking ginagawang pagpuslit.
BINABASA MO ANG
Huling Pag-ibig ng Batang Heneral
Historical FictionIto ay naayon sa panahon kung saan nagkaroon ng limang buwang katahimikan at kapayapaan sa Dagupan, Pangasinan bago naganap ang Labanan sa Pasong Tirad. Ang pagsusuyuan ni Del Pilar at Nable Jose sa gitna ng reputasyon ng Batang Heneral. Ngunit ang...