Gwyneth's P.O.V.
Isang taon na ang lumipas at heto ako ngayon nakatapat sa kabaong ng isang pinakamamahal kong tao, sayang hindi ko nasabe sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko man lang naipadama ng sobra yun :( sayang talaga sayang.
Kung pwede lang maibalik lahat ng iyon, kung pwede lang talaga gagawin ko lahat para maipadama sayo lahat lahat maipadama ko sa iyo na Mahal na Mahal kita Mommy.
Oo si mommy ang namatay T_T nahagip kase ng truck yung sasakyan ni mommy T_T ngayon dalawa na lang kame ng kapatid ko. Hindi ko man lang nasabe kay mommy na mahal na mahal ko siya. Nagsisisi ako sa lahat ng kasalanan na ginawa ko sa kaniya.
FAST FORWARD
Nasa bahay na kame ng kapatid ko wala na kaming magulang ulila na kame.
"Miss Gwyneth? kahit wala na kayong mga magulang pwede kaming mga kasambahay niyo ang tumayo bilang mga magulang ninyo pinapangako po namin na hindi namin kayo iiwan mam" Sabi ni Ate lara sa akin, Sumang-ayon naman ang iba hindi ko alam ang sasabihin ko umiyak na lang kaming dalawa ni Reem.
Renzo's P.O.V.
Nabalitaan ko ung nangyare kay Gwyneth gusto ko siyang damayan pero ayokong pumunta baka kase hanggang ngayon hindi nanaman niya ako papansinin, baka baliwalain nanaman niya ako. Nagtxt na lang ako sa kaniya nag chat kase kung tatawagan ko siya baka di niya sasagutin kaya mas okay na ung ganon.
Isang taon ding iniiwasan niya ako pero kahit na ganon hindi pa den ako sumusuko sa kaniya. Kahit na napapansin kong dumadamoves na yung Kulugo wala akong pake basta maipadama ko sa kaniya na mahal ko siya.
Pero hindi muna ako manggugulo ngayon kase alam ko namang hindi muna siya makikipag usap sa ibang tao ngayon.
FAST FORWARD
Ilang buwan na ang nakakalipas medyo ayos na siya ngayon pumapasok siya sa school ng hindi umiiyak or nakatulala.
"Gwyneth plsss... kausapin mo ako" tawag ko sa kaniya habang hinahabol siya.
Pero Ayun hindi ako pinansin tumakbo ba naman ng mabilis, pero kahit na ganon hindi pa din ako susuko.
break time na kase nun nung nangyare, ngayon nag umpisa na ang klase at malapit na mag-uwian ganon pa din naman kasama niya pa din yung mukhang kulugo na iyon. Alam niyo ba? pagpasok tsaka pag uwe palagi niyang kasama yun pag nasaktuhan ko lang talaga na hindi niya kasama yun si Gwyneth bugbog abot non sa akin.
Nagring na ang bell so oras na para umuwe ng bahay ano kaya niluluto ni Daddy ngayon? masarap pa naman magluto yon si daddy.
Habang naglalakad ako pauwe ng bahay nasaktuhan kong naglalakad si Gwyneth mag-isa 0_0 pagkakataon ko na ito ^_^ para masabi ko ng malinaw sa kaniya lahat promise pag hindi niya talaga ako sinagot pa or sinabe sa aken yung tunay na nararamdaman niya titigil na ako sa pangungulit sa kaniya.
Hinabol ko siya
"Teka! sandali lang gwyneth!" Tawag ko habang hingal na hingal sa pagtakbo. "Gwyneth, plss. makinig ka sa sasabihin ko sa iyo" Huminga muna ako ng malalim para makakuha ng bwelo sa pagsasalita "Gwyneth mahal na mahal kita ikaw yung babaeng palaging andiyan sa akin , ikaw yung dahilan kung bakit ako masaya araw-araw ikaw yung dahilan kung bakit ako palaging sinisipag pumasok sa school, ikaw yung dahilan kung bakit gusto ko pa mabuhay sa mundo akala mo ba pinagtritripan kita? hindi kita pinagtritripan totoo ang nararamdaman ko walang halong bola, Ikaw ang babaeng ang sarap mahalin. Ang sarap mong pakisamahan sa lahat ng kalokohan ang sarap mong kasama kaya Gwyneth eto lang masasabe ko sa iyo. mahal na mahal kita" Pagkatapos kong sabihin ang mga dapat kong sabihin wala siyang sinabi sa akin ang ginawa lang niya umalis sa harap ko.
Ang sakit ginawa nanaman niya ung dati niyang ginawa T_T haha ang saya grabe ganon lang pala yon ? siguro hindi niya ako gusto siguro nakukulitan na siya sa aken.
Nakatayo lang ako dito sa kinatatayuan ko kung san ako umamin kay Gwyneth, umiiyak ako ngayon ang sakit talaga promise ngayon lang ulet ako nakaramdam ng ganito. Ang sakit
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy
Romanceang girlfriend kong tomboy ay isang babaeng minahal ng isang lalaki kaya naman sya any naging isang mahinhin na isang magandang babae