Renzo's P.O.V.
Hindi na ako nag alarm kase di naman gaano ako nakatulog ngayong araw, nagka insomia ata ako choss lang di lang nakatulog ganon agad? pero malay mo iniisip ako ni Gwyneth kaya hindi ako nakatulog ng maayos.
Hays :( kamusta na kaya si Gwyneth? okay lang kaya siya ngayon? miss ko nanaman siya ngayon ayy palagi ko naman siyang miss ehh palagi niya kaseng kasama yung panget na kulugo na iyon.
Makabangon na nga para maghanda mamaya, dumiretso ako agad sa banyo para gawin lahat ng ritwal na kelangan pagkatapos nun bumaba na para kumain na ng umagahan.
Sumakay na ako sa kotse, maya-maya nakarating na ako sa eskwelahan una kong hinanap si Gwyneth sa school. Sana pumasok yun ngayon gusto ko siya makita pero hindi muna ako magpapakita sa kaniya, parang spy ang peg ko lol.
Kung san-san na ako pumunta sa canteen,garden sa library hanggang sa mapunta ako sa gym.
Nakita ko si Gwyneth dun pagkakita ko sa kaniya naghanap agad ako ng matataguan pero parang may kausap siya medyo lumapit ako ng onti para makita at marinig ang pinag-uusapan nila. Nung medyo lumapit na ako nakita ko yung mukha ng kausap ni gwyneth yung mukhang kulugo kausap niya.
Ano kayang pinag-uusapan nila?
nakinig ako ng mga pinag-usapan nila nagulat ako don sa mga narinig ko, ngayon alam ko na. Hinding-hindi na talaga ako manggugulo sa kaniya. Alam ko na ang katotohanan ngayon.
Sky's P.O.V.
Nandito na ako sa room ngayon oras na din kase ng klase. Hindi ako nakikinig sa turo nila wala ako sa mood ngayon.
Lumabas ako ng room nang hindi nagpapaalam sa teacher naming bulok magturo -_- tinatawag niya ako pero binaliwala ko lang sya, may mga babae namang tumitili na ewan mga mahaharot. Kalandian lang ang alam sa buhay.
Dumiretso na lang ako ng canteen badtrip nakakainis -_- nag-order ako ng makakain ko sabay upo dun sa upuan. Isusubo ko na sana yung pagkain ng biglang may naglapag ng tray sa harapan ko bwisit siya ahh.
"Hindi ako papayag" walang gana niyang sagot sa aken.
Aba! ano problema nitong kumag na ito?
"Anong ibig mong sabihin" walang gana kong pananalita.
"Ano? magkukunwari ka lang " galit niyang sabi.
"teka hindi kita maintindihan Renzo tukmol" iritado kong sagot sa kaniya.
"Ganon ba?" biglang siyang tumayo sabay kinwelyuhan niya ako. " Ano? Maangmaangan kapa ha? kulugo? magkukunware kapa? itatago mo sa aken na kayo na?!!!" galit niyang pagsagot sa aken.
"Bitawan mo nga ako" Malamig kong pagsagot sa kaniya sabay ngiti ng naiinis.
"Pano pag ayoko" inis nyang sagot sa aken.>.< aba!! hinahamon ako nitong lalaking to ahh, dahil sa inis ko sa kaniya sinuntok ko siya ng buong lakas!!. Matagal na akong nagtitimpi sa lalaking to palaging mainit ang ulo neto sa aken. Siguro kaya siya ganyan sa aken nagseselos siya sa aken kase palagi kong kasama si Gwyneth. Siguro may nararamdaman siya para sa kaniya.
Napaupo siya sa suntok na nagawa ko nagkaroon ng dugo yung gilid ng labi niya, dahan dahan siyang tumayo.
"Alam mo! matagal na akong naiinis sayo!" Sigaw niya sa aken tapos sabay suntok sa aken. Pero mabilis akong umilag
Napapaligiran na kame ng mga studyante pero ni isa walang gustong awatin kame sa away.
"Kaya ka naiinis kase may gusto ka kay gwyneth, siguro nga nung umamin ka sa kaniya hindi ka sinagot" Pang-aasar ko sa kaniya hahaha pero malay mo umipekto.
Biglang sumeryoso yung mukha niya at halata na sa mukha niya na nagagalit na siya.
"Pano mo nalaman?" 0_0 nagulat ako don, so ang ibig sabihin totoo pala yung sinabe ko.
"Sabihin mo! pano mo nalaman?!" Inis niyang tanong
"Totoo pala yung sinabe ko, buti na lang at hindi ka niya sinagot" Painis kong sagot sa kaniya "Buti naman at naging kame!" sigaw ko sa kaniya.
"Ano sabe mo? kayo? hindi ako papayag! aagawin ko siya sayo!! hindi ako papayag na mapasayo siya!!" Inis niyang sabi sa aken.Susuntukin ko na sana siya ng biglang sumigaw yung Teacher na nasa likod namin, natigil yung dapat sanang patayan momment na namin. Dinala kame sa isang room maya-maya lumabas ang isang babae sa pintuan. Eto ata ang principal.
FAST FORWARD
Dahil sa nangyare hindi ako makakapasok ng isang linggo tas yung kumag naman tatlong araw lang. So kinakampihan ng principal na yun yung taong yun!. Hay pero kelangan tanggapin sinagot sagot ko kase yung principal kanina.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy
Romanceang girlfriend kong tomboy ay isang babaeng minahal ng isang lalaki kaya naman sya any naging isang mahinhin na isang magandang babae