Gwyneth's P.O.V.
Nakauwe na ako ng bahay naiinis ako kay enzo sinusundan ako kanina pa parang aso eh -_- ayoko ng ganun sinusundan ako pag tinatanong ko siya kung ano kelangan niya sasagot lang naman siya ng wala -_-
Hindi na ako kumain ulet dito sa bahay diretso kwarto na ako, tawag ng tawag sakin sila mommy di ko na lang pinansin wala ako sa mood makipag usapa sa kanila ngayon naiinis ako sa kanina.
*nagring ang cp*
hmmm... may nagtxt sa akin
From:Enzo epal
Hello Gwyneth! kamusta kana? matulog ka ng maaga ahh :) wag kang magpupuyat pasensya na kung kinukulet kita kanina pa ha? namiss lang kasi kita, namiss din kitang kausap tsaka kaharap ehh gusto lang talaga kita matitigan ng matagal gusto ko lang makabisado yung mukha ng magiging asawa ko. Goodnight sweetdreams iloveyou.
0_0 hanudaw?!! asawa? iloveyou? ha? wait? mali ata yung pagkabasa ko ahh. Dahil sa gusto kong manigurado sa nabasa ko inulet ko siya maya maya ayun totoo nga yung nabasa ko. Nawala bigla yung pagkainis ko sa kanya kaya naman pala ganon siya kanina pa, pero sana naman wala na siyang nilagay na iloveyou chuchu ganyan. Hindi ko kase alam kung ano gagawin ko.
Nagpagulong gulong lang ako sa kama ko kase nasa utak ko ung laman ng text niya. Kinikilig ba ako? o hindi lang talaga ako makatulog ng maayos? wait ang gulo na ng isip ko medyo nasisiraan na ako ng bait.
Time check 9:00 pm
9 pa naman ehh kaya di muna ako magpapanic tsaka na ako magpapanic pag mga 10 or 11 na ang oras. Pumikit na ung mata ko then maya maya nakatulog na ako.
Sky's P.O.V.
-_0 hmmmmmmmm......... ang sarap ng tulog ko maaga kase ako nakatulog tapos maaga din ako nagising. Tinignan ko ung orasan sa pader maaga pa talaga 7 am pa naman so pwede pa ako magliwaliw hahahahaha..
diretso ako sa cr para magtoothbrush mamaya na ako maliligo tinatamad ako ehh tsaka malamig masyado pang maaga para dyan tsaka di pa naman ako mabantot kaya ayos lang yan.
pagkatapos kong gawin ang pagpapabangong hininga ko bumaba na ako para kumain, nagugutom na ako ehh nakahain sa mesa. Fried rice,Itlog,Hotdog tsaka bacon -_- ayoko ng bacon di ako mahlig kumain nyan. Kumain na ako inubos ko ung Fried rice ang dame nun peo gutom ako ehh kaya inubos ko ang sarap ng luto ehh, ang sarap talaga magluto ni yaya :) wala kasi sila mommy ehh nasa trabaho palagi naman -_- si kuya tsaka mga kasambahay lang yung palagi kong napagtritripan.
Light:Hoy! di ka papasok?
Ako:Papasok baket?
Light:9 am na ohPagkasbe nun ni kuya nag asikaso na ako naligo then nagbihis habang naliligo nga ako tinitignan ko ung abs ko ilang araw na ba akong hindi nag gygym? Hindi ko na kase mayaya si kuya busy sa mga bebot niya -_-
Pagtapos kong magbihis dumiretso na ako sa kotse para pumunta na sa eskwelahan. Mabilis lang naman yung usad ng mga sasakyan ngayon so wala pang mga ilang minuto andito na ako sa school -_- haay nako eto nanaman yung pahirap sa buhay ko.
Tinitignan ako ng mga studyante may mga nagsisigawan -_- sarap tanggalan ng bibig ehh nakakainis. Dumiretso na ako sa room ayoko na kasing mag stay sa labas, Pagkapasok ko sa room wala pang tao ako pa lang medyo naantok ako. Sumandal lang ako sa sandalan ng upuan tas patong ng binti ko sa mesa sabay salpak ng headphone ko sa tenga tas patutog, maya maya nakatulog na ako.
Renzo's P.O.V.
Heyooooooo!!!! Namiss nyo ba ako? may sumali kase ehh epal kaya hindi na ako gaanong nakakapag pakita lol. Nasa school na ako ngayon maaga akong umalis ng bahay kase gusto kong makita at makausap ulet si Gwyneth namiss ko siya ng sobra palagi na lang niya kaseng kasama tsaka kausap yung lalaking mukhang kulugo na iyon.
Dumiretso ako sa canteen hindi na ako kumain sa bahay kase alam niyo na ang dahilan mga 8:30 andito na ako sa school kahit 10 pa ang pasok ko.
"Pre! ang aga mo ata ngayon?" Sabi ni Lance sa akin.
"Wala kana don" sabi ko sabay irap wala ako sa mood para makipag laro sa kaniya
"Sus alam ko naman kung bakit? dahil sa tomboy na yun kaya maaga ka pumasok" sabi naman netong lance panget na ito sa akin.
"Alam mo kung mangbabadtrip ka man din pwede ba iba na lang" sabi ko sa kanya kaya ayun umalis na siya sa paningin koMedyo nainis ako dun sa lalaking yun ewan ko ba parang nung mga nakaraang araw pinagtritripan niya ako inaasar ganon kase napapansin niya akong nakatulala daw tas sinasabi yung pangalan ni gwyneth tapos bigla daw ako magagalet kay sky -_- Yung mukhang kulugo na iyon nakakainis talaga, palagi na lang siya kasama ni gwyneth nakakaselos nakakainis!!.
Maya-maya nakita ko si pandak na naglalakad papasok sa canteen tumayo na ako para hilain siya sa kinauupuan ko at kakausapin.
"Ano problema mo? enzo!" Pairap niyang sabi sa akin mukhang bad day sya ahh o nainis sa text ko kagabe.
"Ahmm.... Galit kaba sa text ko sa iyo? pasensya na ha? nagpapaliwanag lang ako sayo nun kaya ako nakapag txt sayo kagabe ng ganun........ tsaka ano yung last na nakalagay dun sa text ko? totoo yun....... totoo yung sinabi kong iloveyou.... ano kase mahal kase kita" Pahiya kong pagsabi sa kanya medyo nahihiya ako.
"So? Yan lang sasabihin mo sa aken? wala naman palang kwenta -_- sige na papasok na ako sa room bye" Walang emosyong pagsasalita, pagkasabi niya nun umalis na siya agad tapos naiwan akong nakatulala dito sa inuupuan. Pumasok ako ng room na nakatulala hindi ko alam yung gagawin ko wala ata ako hindi niya ata ako gusto? alam ko na siguro gusto niya si sky kesa sa akin.Bakit? Gwapo din naman ako ahh.. Matalno din naman ako mabait di naman ako katulad sa kaniya parang robot di man lang ata yun marunong tumawa, parang walang emosyon ehh kelangan siguro maging ganon ako. Pero di ko naman kelangan maging ganon.
Ahh basta kahit na binaliwala niya ako kanina gagawa pa din ako ng paraan para mapasaakin siya di ako papayag na mapunta siya dun sa kulugo na iyon ang panget panget niya.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy
רומנטיקהang girlfriend kong tomboy ay isang babaeng minahal ng isang lalaki kaya naman sya any naging isang mahinhin na isang magandang babae