Gwyneth's P.O.V.
Tulala lang akong naglalakad sa hallway nag-iisip kung ano ba ang dapat kong gawin para masabe kay enzo na walang kame ni Sky, ilang araw na ang lumipas na ang ilang linggo pero hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita si enzo. Nagtatanong tanong ako sa mga kaklase niya pero di naman daw siya pumapasok simula nung nasuspend siya.
"Oh bat ang lalim ng iniisip mo ha?" Dinaanan ko na lang siya hindi ko na pinansin naiinis pa din ako sa ginawa niya kay enzo.
Wala ako sa mood makipag usap sa kaniya simula nung pumasok siya kinausap ko siya then ayun akala ko kase nagbibiro lang si enzo nun, pero totoo naman pala sa nalaman kong yun nagalit ako sa kaniya ewan ko ba kung naramdaman man lang ng lalaking to na galit ako sa kaniya pero mukhang hindi ehh.
"Oy! ano ba? bat di moko kausapin? may problema kaba?" Sabay harang niya sa dinadaanan ko hindi ko napansin yun ahh, inirapan ko lang siya ayoko talaga sya makausap ngayon. "Ang panget mo umirap di bagay sayo, dapat ganto oh" Tumingin na ako sa kaniya sabay umakto siyang parang babae tapos sabay irap 0_0
Ano bang pinaggagawa nitong lalaking to? gusto kong tumawa sa totoo lang kase naman para siyang babae hahaha. So ayun dumiretso na ako sa canteen kase para ano? malamang kakain ako nag-iisip ako ng kung ano ano para lang hindi maalala si enzo. Hays :( enzo miss na kita, alam ko na! mamaya pag uwe ko pupunta ako sa bahay nila oo tama ganon dapat.
"Oy! ano bang problema mo?" Hindi ko na sya pinansin tapos na din ako kumain kaya nilinis ko na yung pinagkainan ko tas diretso sa room medyo maaga pa kaya wala masyadong tao sa room.
"Ano bang problema mo? galet kaba saken?" Ang lungkot ng boses niya matagal-tagal ko na kase siyang binabaliwala tapos twing by partner yung project tas bunutan ang ganap pag nabubunot ko yung name niya nagsusuggest ako na makipagpalit.
"Sorry" Tumingin ako sa kaniya nakatingin din siya saken, pero fvck! totoo ba ito? umiiyak siya? teka bat siya umiiyak? wait g ang OA mo na, hindi ko na dapat siya papansin pero ayu nakita ko siyang umiiyak at yung mga mata niya humihingi talaga siya ng tawad sa nagawa niya.
"Kung pwede ko lang ibalik lahat ng nangyare gagawin ko yun para iayos ang lahat G! hindi ako sanay na binabalewala mo ako..... Hindi ako sanay na ganto tayo..... pasensiya na gwyneth kung nasabe ko yon sa kaniya..... gusto kase kitang ipagdamot sa iba kahit na alam kong walang tayo...... pero Gwyneth nagseselos ako sa twing nakikita kong nag-uusap kayo or nakatingin siya sa iyo.... Gwyneth sorry talaga Mahal talaga kita" Habang nagsasalita siya tumutulo yung luha niya napapahikbi siya pero pinipigilan niya. Masakit kase bat niya sinabe yun? oo sabihin nating mahal niya ako pero di naman dapat nagsabe sya ng di totoo kay enzo diba?Pinunasan ko yung luha niya di ko kayang nakikita ang kaibigan ko na umiiyak, Hindi ko din naman kayang tiisin siya palagi siyang nag-iisa pag kumakain wala siyang kasama gusto nya ako kasama kumain.
"Huwag kana nga umiyak, para ka namang bata eh" ngumiti ako sa kaniya ng totoong ngiti tama na nga yung di ko pagpansin sa kaniya ng ilang araw. "Sorry" malungkot kong paghingi ng tawad sa kaniya tas sabay ngiti. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin
"Please gwyneth hindi ko kayang ganto, magbati na tayo please? hindi ko na alam gagawin ko" Sh!t ang lungkot ng boses niya hindi ko kayang marinig ng ganto boses niya. "Oo na bati na tayo" Sabi ko sa kaniya sabay ngiti para siyang bata pinunasan niya yung luha niya sabay ngiti ng parang walang bukas. "Yes! bati na kame yehey!" talon-talon pa siya sa room pinipigilan ko niyakap niya ako ng mahigpit tas niyakap ko din siya bale nagyakapan kame hahaha ang saya niya ngayon.
*Clap clap clap*
"Kayo na ba? yieeee sila na ni baby Sky" sigaw ni Crystal samen malditang classmate namin at crush na crush niya si Sky. inirapan ko na lang siya, magsasalita na lang ako ng bigla siyang nagsalita "Walang kame ni Gwyneth niyakap ko lang siya kase tanggap na niya yug paghingi ko ng tawad" Walang gana niyang pagpapaliwanag kay Crystal.
Yung mukha ni Crystal na kanina parang papatay ng tao napalitan ng isang parang Demonyong anghel na ngiti yvck hindi bagay sa kaniya na anghel -_-.
NATAPOS na ang araw ng pasukan ngayon nasa bahay na ako kung kelan nasa bahay ako tsaka ko pa lang naalala na pupunta nga pala ako sa bahay nila enzo nakakainis nakalimutan ko yon ahh. Kase naman ang dam naming ginawa nun puro kame activities by partner at ayun partner ko si sky syempre bati na kame lol.
"Bukas ko na nga lang siya pupuntahan magpapahinga na lang muna ako pagod ako" Kinakausap ko yung sarili ko niyan. Dahil sa sobrang pagod ayun nakatulog na ako agad, tama bukas ko na lang siya kakausapin at pupuntahan.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy
Romanceang girlfriend kong tomboy ay isang babaeng minahal ng isang lalaki kaya naman sya any naging isang mahinhin na isang magandang babae