1.5 | Youth
#TMBTTSwpMaaga akong nagising dahil hindi ko alam kung anongg gagawin ko. Wala talaga akong alam sa pagiging boyfriend kaya pasensya na. Siguro mabobired siya bigla kapag nag-sama na talaga kami. Baka hiwalayan pa ako agad.
Tumayo na ako at dumeretso sa CR para maligo, matapos ang kalahating oras ay lumabas na ako. Pumunta ako sa tapat ng cabinet ko para tumingin kung ano susuotin ko mamaya.
Ano bang dapat suotin 'pag date? Pinunasan ko yung basa kong buhok gamit ang tuwalya ko at nag-hanap ng damit.
Nakita ko yung polo na black and white na stripes, yun na lang siguro yung susuotin ko. Kumuha na din ako ng itim na pantalon at puting sapatos.
Sinuot ko yun at tumingin sa salamin. Hi salamin, nag-kaharap ulit tayo! Hindi tayo madalas mag-titigan 'di ba? Okay lang ba itsura ko? Mukha naman ba akong boyfriends? Hindi ba? Sumagot ka naman.
Nang makuntento na ay inayos ko yung buhok ko at nag spray ng pabango. Lumabas na din ako sa kwarto ko at pag-baba ko, nandun yung apat na naka-abang sa sala.
"May lakad ka?" Tanong ni Zeith habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa sabay kain ng stick o.
"Hindi, may takbo ako", pamimiloso ko sa kanya.
Binati naman ako ni Caleb ng candy "Eih, nagkajowa lang ganyan ka na", sabi niya habang nakangiwi.
"Yaan mo na first time magkajowa eh", natatawang sabi ni Jayzam. Napailing na lang ako at nag-lakad palabas nang biglang sumigaw si Red.
"Yot! Ang gwapo mo ajujuju~".
Napailing na lang ako, mga siraulo. Bumalik ako sa loob at umupo lang ako sa sala habang nag-hihintay. Tapos yung apat naman mukhang 'di pa rin makapaniwala na may girlfriend na ako.
Bumaba pa yung iba pa naming kasama at lahat sila ay nagulat nang makitang 'pormado' ako. Sa pag-kakaalam ko, nag-dadamit naman ako ng ganito kapag lumalabas kami pero bakit gulat na gulat pa rin ang mga 'to.
"May date ka talaga? Seryoso?" Tanong ni Galaxy habang nakatingin sa'kin. "Pano ka nagka-girlfriend? May papatol pala sayo?" Tanong naman ni Clevor.
Binatukan naman ito ni Red. "Aju, inggit lang kayo na may girlfriend na si Youth eh. Tigil niyo na nga! Gwapo-gwapo nito tapos bibwisitin niyo", natatawang sabi ni Red.
Ayoko na, pinag-lalaruan na nila ako. Pasensya, hindi kasi ako kasing landi niyo na nakailang girlfriend na ha? Wala kasi talaga akong gusto eh. Bukod sa kanya.
"May babaeng maputi sa labas, sino yun?" Biglang sabi ni Galaxy habang nakatingin sa tablet niya. Lumapit naman si Zeith kay Galaxy at dumungaw.
"Si Rowie ata, labas na kupal", sabi niya at sumenyas na lumayas na ako. "Yung bilin ko ha? 'Pag kinabahan, just hold her hand okay?" Napangiwi na lang ako at lumabas na pero yung mga kupal sumunod naman.
Ganun ba talaga kayo kabigla na may girlfriend ako? Nakakairita na ah. Kung maka-asta 'tong mga 'to, daig pa yung magulang eh.
Binuksan ko naman yung gate at bumungad sa'kin si Francisca. "Kanina ka pa dyan?" Tanong ko.
"Kararating ko lang? Mga thirty seconds ganun", sabi niya at ngumiti. Uhh, ano na gagawin ko? Fuck, wala akong experience sa ganito!
BINABASA MO ANG
Take Me Back to the Start
Fanfiction[A Glimpse of You and Me, special extention] One week and we had each other. One week and then there was us. One week and there was second chances. "One week and we knew we loved each other" By: ArieshaChamiraDanica, 2019 ©Crazyeshaa, Ariesha Torres...